TEN

164K 3.9K 704
                                    

Tahimik ang naging biyahe pauwi animo'y mga deaf mute kaming dalawa ni Rouge na hindi nag-iimikan. Friends should be comfortable with each other, this is too far from how we're supposed to be.

Parang takot akong gumawa ng kaunting galaw kaya todo siksik ako sa upuan. The soft white leather chair gave me comfort. Panay naman ang tikhim ni Rouge, at di nakatakas sa gilid ng aking mata ang pagsulyap niya.

Mahinang thank you ang kumawala sa'king bibig bago ako bumaba sa Maybach. Dirediretso ang aking paglalakad papasok sa bahay na hindi siya ginawaran ng sulyap.

Narinig ko lang ang pag-alis ng kanyang sasakyan nang nakarating na ako sa pinto ng bahay.

I undoubtedly gave him the opposite impression of my prior statement. Di ko mapigilan ang sarili kong ganon ang iakto. I tried not to care but I do.

Tamad akong sumampa sa kama at hinugot ang aking cellphone upang mai-text si Violeta tungkol sa susuotin ko sa event. I'm sure she can create something for me before the week ends. Tinawagan ko rin si Lauris para sa susuotin niyang tux, he wants Violeta to do his outfit too kaya hinabol ko 'yon sa mga ipapagawa ko.

Inabala ko ang sarili sa mga gawain sa Vedra at sa thesis namin. Sa mga nagdaang araw, walang paramdam si Rouge. I'd expected it. Hindi naman kasi niya kailangang magparamdam. We're just friends after all. Kailangan kong paalahanan ang sarili kong wala akong dapat asahan.

It's already been implied. He didn't explain further kahit may pagkakataong sigurado ako na nag-insinuate siyang hindi lang limitado sa pagkakaibigan ang kanyang intensyon.

Kaya pinamemorya ko na sa dugo't utak ko na ganito lang, hanggang dito lang. Huwag na akong mag-overthink na hihigit pa doon ang kanyang kailangan.

Madaling masaktan, pero mahirap itong kalimutan. Kaya kung maaari, distansya Lorelei.

Dumating ang araw ng event. I don't know why I have to go. I think si dad lang naman ang may pakinabang doon. Estudyante pa ako, graduating I might add. And my being there would be uncalled for since hindi pa ako nagsisimula sa kompanya.

I tried asking my father. He said the whole family of the chosen guest should be present. Though I don't see it as obligatory. But in the business world, for the sake of honour and respect, we have to abide to it. Lalo na kapag mga Japanese tycoons ang nag-iimbita. Kahit hindi gusto dapat ay nandoon. Business is business. A slight excuse would be unacceptable.

Jezreel was doing wonders to my face. I don't have to find another make up artist dahil subok na ang galing ng kaibigan ko sa ganoong larangan. Hindi kami natuloy sa supposedly night out namin two Saturdays ago dahil inatasan siyang maging make up artist sa mga kandidata ng isang prestihiyosong beauty pageant.

"Sa lahat ng mga na-make upan ko mukha mo ang pinakagusto ko. Ang kinis! Maging vegan na rin kaya ako noh?" aniya habang nilalagyan ako ng eyeshadow.

"Bias ka lang." biro ko sa kanya.

"Oy hindi ah. Kahit hindi tayp close I swear sasabihin ko pa rin 'to."

Mahina akong tumawa. Limit ang kilos ko para maayos ang pagme-make up niya.

Pumasok si Lauris sa kwarto ko habang inaayos ang kanyang tie. Humarap siya sa aking full body mirror. My brother looks so dashing in his black suit and blue tie. Sinuri niya ang sarili sa iba't ibang anggulo.

"Magpapa make up ka rin Lauris?" nakangisi kong tanong.

Sandali siyang sumulyap habang inaayos ang kanyang kwelyo. "Wala akong salamin sa kwarto. I have one in the bathroom pero hanggang chest part lang."

Pansin ko ang mga nakaw tingin ni Jezreel kay Lauris kada nagpapalit siya ng brush para sa'king mata. Pinigilan kong hindi matawa.

Pumikit ulit ako para sa panibagong shade ng eyeshadow. Rinig ko ang mga hakbang ni Lauris palabas ng kwarto. Tumikhim si Jezreel. Doon na ako tumawa.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Where stories live. Discover now