THIRTY FIVE

169K 3.6K 292
                                    

"What's wrong, Lory?"

Pinunasan ni Rouge ang pisngi kong inulan ng luha. Sa kanyang pag-aalala, para sa kanya hindi normal na ganito ang magiging reaksyon ko tungkol sa nalaman pero hindi naman kasi niya alam ang totoo kong dahilan.

Yumuko ako't umiling. Marahan kong tinakwil ang kamay niya saka ako tumalikod.

"Balikan na natin si Lauris sa ospital." Pilit kong pinapanitiling buo ang aking boses, ngunit malamig ang naging resulta nito.

Hinintay ni Rouge na maisara ko ang pinto't pinauna akong maglakad. Tahimik siyang nakasunod sa 'kin.

The kid is not Rouge's. It is dad's. Kapatid ko si Halsey. Palutang-lutang man ito sa aking isipan ay hindi ito nagdulot ng sakit. Sa hindi nila pag-banggit sa 'kin ukol dito, pinagpalagay ko na siguro hindi ko na rin naman dapat pang malaman. May sinisikreto rin naman ako sa kanila kaya hindi ako dapat mag-tanim ng sama ng loob.

But Rouge...gusto ko na siyang layuan. Tumatak sa 'kin ang mga sinabi niya kanina. His words have been invading my mind since the date auction. Isang pagkakamali yata ang pagkikita namin muli. What could be the ways to avoid our casual meetings?

"You can go back to your condo to shower and change," ani ko habang nakasakay kami sa lift. Naglapat ako ng malaking espasyo sa pagitan namin.

Inamoy niya ang sarili. Kumunot ang ilong niya. Kinunutan niya ako ng noo. "I don't smell bad."

Tipid akong ngumiti. "Magta-taxi nalang ako, just go back to your—"

"No."

"But Rouge—"

"No."

Tinango niya ang ulo sa humahati nang pinto ng lift. Tinitigan ko siya bago ako lumabas. His persistence drives me up the wall sometimes.

I know I'm acting like an ungrateful bitch, pero kailangan na naming layuan ang isa't isa. Dalawang pagkakataon na ang pinaglagpas ko kasama siya and I'll make sure this would be the last. Because to put it mildly, he's no good for me.

"Umuwi ka after mo akong ihatid." Binuksan ko ang pinto sa shotgun seat pagkatapos niyang patunugin ang alarm nito.

Pagkaandar ng sasakyan, nag change gear siya saka nilagay ang braso sa likod ng headrest ng aking upuan at lumingon sa likod habang nagba-backing. Sobrang lapit ng mukha niya kaya mas umusog ako sa dulo ng pinto yakap ang knapsack ni Lauris.

"I will, not until you tell me why you cried."

Does he really have to ask that? He could just assume anything and keep the assumptions inside his head.

"Sorry, I was just being emotional. I'm happy to know that I have a younger sister." Which is true, kahit hindi talaga 'yon ang totoong dahilan.

Kita ko sa gilid ng aking paningin ang kanyang pag-sulyap.

"I don't like seeing you cry—"

"Don't—Rouge. Just don't. Just drive," putol ko sa kanya. Nakaangat ang aking kamay, nakaharap sa kanya ang aking palad.

I don't need his comfort. It's all done. I know the truth now. My life goes on without having to worry about him being around me.

Katulad nang panay kong pagpilit sa kanya ay sa wakas, napauwi ko rin si Rouge. Sumilip muna siya sa kwarto ni Lauris at tinanguan ang kapatid ko bago siya umalis.

I know this won't be our last encounter but I hope this would be the last time of being near to each other. I'm actually planning on setting a desired math number for our proximity.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora