SEVEN

159K 3.7K 765
                                    

Tulala kong nilapag ang laptop ni Lila sa kanyang desk saka ako bumalik sa desk ko. Hindi pa rin ako makausad sa inasal ni Rouge kanina sa conference room.

Should I even trust him? We've been in several encounters at ngayon ko pa talaga itatanong 'to? I just don't get why he likes driving me home! Kailangan ko na talagang magdala ng sasakyan para hindi na niya ako maipagmamaneho pa. Nag-uumapaw na ako sa utang ko sa kanya at isang beses lang akong nakabayad.

Dumating si Lila na nakadikit pa rin ang ngiti sa kanyang labi. Binati ko ulit siya at may balak pa akong ilibre dahil sa tagumpay ng kanyang presentation animo'y na-promote siyang manager ng kompanya.

"Alam mong sisipot si Rouge?" duda kong tanong.

Nanlaki ang mata niya't sumenyas ng pagdepensa sabay iling. "No! I swear hindi ko alam. Akala ko nga papa niya ang pupunta."

Kumunot ang noo ko nang biglang may naalala. It's lunch time. Rouge said maghihintay siya sa'kin sa parking lot pero wala naman siyang sinabing oras. Mamayang hapon pa ang out ko, hindi naman pwedeng hanggang hapon siya maghihintay!

Bumaba ako sa basement parking. Kaagad kong nahanap ang kanyang Maybach dahil nakatayo lang siya sa gilid nito ngunit hindi siya nag-iisa.

Nakapameywang siya habang ang katapat niya'y ma-otoridad na nakahalukiphip. It's a smack-dab of him, pinatanda lang ng ilang taon. I could make out the semblance ngayong nakikita ko na silang magkaharap.

Parehong seryoso ang kanilang mga mukha. Nakayuko si Rouge habang nagsasalita naman si Sir Herman.

"Bakit ka pa umuwi kung hindi ka naman pala magseseryoso?"

Aalis na sana ako ngunit nanaig ang aking kuriosidad. Sir Herman is reprimanding Rouge. Regardless of him being downplayed by someone more superior, he was still able to display that nimbus of authority. He doesn't look defeated at all. Kalmado lang siyang nakikinig sa kanyang ama.

Nagtago ako sa malapad na haligi at dinikit ang aking likod doon. Dalawang kotse ang agwat sa pagitan ng haligi na 'yon at sa kanyang Maybach.

"So you're pushing me away now that I'm here." malamig ang tono ni Rouge.

"I'm not pushing you away, Rouge. Pinagsasabihan lang kita. Kung umuwi ka lang dito para magloko, then you better go to some godforsaken place where you can act your shenanigans! I won't allow that here." matalim at puno ng pagbabanta ang boses ni Sir Herman. May pinagmanahan si Rouge sa boses niya.

"I'm going to handle it if that's what you want."

"Yes, that's what I want! Sino pa ba ang aatasan ko eh ikaw lang ang anak ko?"

I heard a dark chuckle. Pinasidahan ko ang paligid sa harap ko. So far wala namang nagsibabaang mga tao para sa mga sasakyan nila.

"Don't laugh. Walang nakakatawa Rouge." madilim na sita ng ama niya.

Nilamon ang parking lot ng katahimikan maliban sa malabong ingay galing sa taas gawa ng mga pagdaan ng ibang sasakyan. May alingawngaw rin ng matinis na pagbaba sa hagdan.

Hindi nila ako namalayan dahil hindi naman ako ganoon kaingay maglakad.

May kaluskos ng sapatos at pagkalansing ng mga susi. Nakikita ko si Rouge na pinaglalaruan ito.

Sumilip ako, nakasandal na siya sa gilid ng kanyang kotse. His father maintained his position at matigas ang ekpsresyong tinitigan ang kanyang anak na nagtatalo sa kaseryosohan at pagiging kalmado ang mukha.

"Nagpatawag ng meeting ang mga Yapchengco, be my representative again. And I'm going to authorize to you the launching of Regal Cruise."

"What's that?" Rouge asked.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Where stories live. Discover now