TWO

211K 5K 1.3K
                                    

I had never enjoyed being in a car. Mapa-driver man ako, nasa passenger's seat o sa backseat. I get cranky every time traffic kicks in.

Today is a first time. And yes, it has something to do with the man in the driver's seat. I don't care whatever car he drives; branded man o secondhand, kahit kalabaw pa 'yan o kabayo. If he's to accompany me everywhere I go, I'll enjoy every moment of it.

Katulad kagabi, tahimik lang din siya. Maybe it's a habit. Or maybe because he hasn't taken his dose of caffeine yet.

"Bring me to your favorite coffee shop. Coffee's on me." basag ko sa katahimikan.

Panandalian siyang sumulyap na sinamahan niya ng ngiti. Is it wrong for me to imagine running my hands in that light shadow of his stubble? To think na pangalawang araw palang naming encounter 'to.

Nanatili lamang ang kamay ko sa aking hita ngunit ramdam ko na ang gaspang ng panga niya sa'king palad. Get your mind off the gutter Lorelei!

Natukso akong kunin ang Ipod na nasa likod ng gear. I wonder what genre of music he's into. I hope we're into the same songs. But I don't want him to think that I'm already getting myself too comfortable with him. Baka isipin pa niya na ang bilis kong itapon ang sarili ko sa kanya.

Pinarada niya ang sobrang mahal niyang kotse malapit sa Toby's Estate. I've been in the outskirts of Makati often but I haven't tried getting in here, kaya mas na-excite ako sa pagkakape namin.

Bumaba na kami ng sasakyan. Tumunog yun pagkatapos kong isara. Umikot pa ako sa likod Nauna siya sa'kin sa paglalakad since mas malapit siya sa entrance ng shop. But he stopped at the side and opened the glass door for me. Bahagya siyang tumungo habang nakatingin sa'kin.

"Thank you." ani ko.

Malaki ang area ng coffee shop. It's neatly white and cream from the floor up to ceiling. Hindi masakit sa mata, even the wall lights and some hanging lights are appealing. The whole environment is pretty. I love it.

Umupo kami sa dalawang magkatapat na puting silya. Nakaharap ako sa wall kung saan may malaking open window doon at makikita ang ibang empleyado na gumagawa ng ibang sini-serve nila maliban sa coffee. Naka-display sa gilid ang apat na wallclock na nagpapakita ng oras sa ibang bansa.

"So...what's your order?" tanong ko.

Pinigilan kong hindi pasidahan ang buhok ko habang lahat ng atensyon niya'y nakatuon sa'kin. Ngayon palang yata ako na-conscious ng ganito. I used to be a very confident and complacent person. But this man infront of me just knocked up my insecurities.

Pormal niyang pinagsiklop ang mga kamay sa mesa. "Long black coffee."

My eyes stilled at his hands. Big dexterous-looking hands. They looked callous and warm to hold on to. Malinis rin ang mga kuko niya. He has a silver ring on his right thumb.

Nasulyapan ko ang silver niyang relo bago ako nag-angat ng tingin sa kanya. Wala siyang naging ibang reaksyon sa bulgar kong pagsuri. He's just simply staring at me.

"Anything else?"

Ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti. Di ko alam kung ano ang nasa tanong ko na ikinangiti niya ng ganon. Bumaba ang mata ko sa labi niya.

Naturally pinkish ang plumpy. Binabakas ko ang letter M na anggulo ng itaas niyang labi.

Would there be any day or even a millisecond for him not to look attractive? Kahit yata wala siyang ngipin ay hindi mababawasan ang kawalang hiyaan ng kaguwapuhan niya.

"Just coffee." kaswal niyang ani.

May lumapit sa'ming lalakeng server. Bilang first timer dito sa shop doon ko lang nalamn na may ibang menu pa pala maliban sa nakadisplay sa counter.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Место, где живут истории. Откройте их для себя