TWENTY SIX

148K 3.3K 835
                                    

        Ang pagod kong katawan ang nagpapaalala sa 'kin sa nangyari kagabi. Aware ako sa mainit niyang braso na nakapulupot sa 'kin at sa hininga niyang pumapaypay sa mukha ko.

Ngunit ayaw ko pang gumising. I want to stay like this with him, at the same time...hindi ko alam kung paano ko 'to haharapin. Alam kong isang pagkakamali ang nangyari pero ginusto ko rin naman 'yon. Minsan masarap talagang gawin ang mali.

Napadilat ako sa magaang pag-haplos ni Rouge sa aking takipmata. Agad sumalubong sa 'kin ang inaantok niyang mga mata. Kanina pa ba siya gising?

"Hi..." malat ang boses niya. Kumiliti sa pisngi ko ang panay na pagpadaan niya ng kanyang hinlalaki.

Alam kong siya ang mas pagod. He did almost all the movements last night. Hindi ko namalayan kung anong oras na kaming nakatulog. Paulit-ulit lang akong bumibigay.  It's not that I didn't like it. Tatanggi naman ako kung ayaw ko. But I did not.

Dinala niya ang ulo ko sa braso niya at mas hinapit ako. Kinuha niya ang aking braso upang ipulupot sa kanya pati na ang isang binti ko na ipinatong niya sa kanyang baywang. He cradled my head after.

"This isn't enough..." bulong niya. Tiningala ko siya at halos maduling ako sa lapit ng kanyang mukha. The stubble on his chin brought a good kind of roughness to my forehead. "This just isn't enough for me..."

Nararamdaman ko rin ang ibig niyang sabihin, pero naisip ko na baka magkaiba kami ng pinupuntuhan sa katagang 'yon.

"What's enough for you?" mahina ang pagkakatanong ko.

Parang may nagaganap na pagtatalo sa utak niya dahil sa nahihirapang ekspresyon ng kanyang mga mata. Dumapo ang atensyon ko sa takas na hibla ng buhok sa kanyang noo. Humahaba na 'yon. He needs a haircut.

Bumalik ang mga mata ko sa kanya nang lumipat ang haplos niya sa likod ko. Maingat niya akong tinulak pahiga saka hinalikan habang niyayakap ako. His morning wood is stabbing my lower stomach. Hindi pa nga ako nakaraos sa pagod ay 'eto na naman siya. Rouge's appetite I must say is insatiable!

Hingal na hingal kami pagkatapos. The wake of my release is still buzzing all over me. Sandali pa siyang nagpapakalma bago ako dinampian ng halik sa labi saka umalis sa ibabaw ko.

Pinagmamasdan ko siyang nagsusuot ng boxer briefs. Hinatid siya ng mga mata ko sa banyo.

I want to believe him. Risking it would take a lot of guts. Kailangan bullet proof na ako kung sakaling tapunan niya ulit ako ng bala ng kasinungalingan. Hindi naman kasi natin mapaghahandaan ang sakit. But instead, we just have to be strong while feeling it until it lasts.

Nilingon ko ang nightstand kung saan naroon ang cellphone niyang kumakanta, mukhang may tumatawag. Naliligo pa si Rouge kaya lumapit ako upang tignan ang caller.

May umiikot sa tiyan ko nang mabasa ang pangalan ni Antonia.

What does this woman want from him? Hindi pa ba sapat si daddy? I think my dad knows how to scratch some itch so why does she have to find another man to scratch it for her? Why does it have to be Rouge?

Dali-dali kong kinuha ang cellphone upang sagutin.

"Why are you calling him? May ginagawa kami," bungad ko.

Tumahimik ang kabilang linya, marahil hindi niya inasahan na ako ang makakasagot ng tawag. Umabot hanggang dito ang tensiyon niya.

"Where's Rouge?"

Tinignan ko ang pinto ng banyo. Malakas ang bagsak ng shower kaya paniguradong hindi maririnig ni Rouge ang boses ko.

"Shower, why? You want to be the next? Nahihinaan ka ba kay dad kaya gusto mo ng mas bata? Don't worry, I think my dad still knows how to plant his seeds."

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Where stories live. Discover now