NINE

162K 4.1K 1.1K
                                    

Isa isa kong nirereplayan ang mga text ng ilang kagrupo ko habang nasa biyahe papuntang Vedra. Send to all ang iisang mensahe. May kaunting hilo pa akong nararamdaman pero tolerable nalang.

Sa taxi ko na rin nagawang halughugin kung may nakuha sa laman ng aking bag. So far ay kumpleto naman lahat. At nakahinga ako ng maluwang dahil nandoon pa rin ang tseke sa wallet ko. May mukha pa kong ihaharap sa Vedra. Wala akong balak sabihin sa kanilang muntik na itong mawala. Sa tingin ko ay hindi na kailangan. 

Tinawagan ko si daddy dahil sa limang missed calls niya. Sa oras na'to ay nasa office pa siya.

"Hello dad?"

"Lory! Where are you? Hindi ka umuwi. Lauris said you're with a friend." nahimigan ko ang kanyang pag-aalala.

Sinandal ko ang ulo ko sa bintana. "I stayed at my friend's condo. Maulan kasi dad and...baha raw."

"You should've called me, para masundo ka namin ni Leo. You should really drive your own car next time."

"It's okay dad. I prefer Lauris to drive for me." sabi ko.

"Inaalapin mo na naman ang kapatid mo." tawa ni dad.

Kasabay kong narinig ito sa kabilang linya ang paglangitngit ng swivel chair at pagbukas ng pinto.

Pansamantalang naputol ang pag-uusap namin dahil sa kausap ngayon ni dad. I could hear shuffling of papers. Sumunod ang pag-click ng ballpen. He's signing something.

Tumikhim siya kasabay ng pag-sara ng pinto sa kabilang linya.

"Lory?"

"Yes dad?"

"Oh good, you're still there. Uhm...you should get a dress for a launching event happening a week from now. Isa ang DC sa mga sponsors so we have to be there." aniya.

Formal ba kamo? So a gown?

"Saan po gaganapin?" tanong ko.

"In White Harbour."

I'm familiar with White Harbour. Isa itong dockyard na punong puno ng mga yate at ilang luxury boats. Ang mga dumadayo rito ay ang mga nais mag cruising. You can also rent a yacht para gawing setting ng isang celebration at iba pang mga okasyon.

I haven't been there, though. Pero marami na akong naririnig na mga positive reviews ukol dito.

"I'm planning to get Violeta's designs. Anak siya ng designer ni mommy and she's really amazing dad."

Violeta became a friend of mine because of our mothers. She followed her mother's footstep as a fashion designer at minsan mga celebrities pa ang ginagawan niya.

"I only saw the works of Vivienne. She did good with your mother's gowns so maybe namana yun ng anak niya." ani ni dad.

"She does as great as Vivienne."

Marami pa kaming pinag-usapan ni dad. Late siyang makakauwi ngayon dahil may kikitain pa siyang investor. Nagpaalam na kami sa isa't isa nang makitang malapit na ako sa Vedra.

Pinaghintay ko ang taxi dahil saglit lang naman ako. Pagkatapos maibigay ang tseka ay sa school ako dumiretso.

Hindi ko inasahang makasalubong ang kapatid ko sa field kahit posible namang mangyari 'yon. Buti nalang at walang babaeng nakalambitin sa kanyang braso. Ayoko siyang kausapin kapag ganoon.

Salubong ang kilay siyang naglalakad at parang naghahamon ng away. Nakuha niya ang ekspresyon ni dad noong kabataan niya. Humalo nga lang ang mga mata ni mommy sa kanyang mukha na siyang minana ko rin.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Where stories live. Discover now