Chapter 20

89 2 0
                                    

Trod Villan

I am staring at my boss.

Istrikto, may prinsipyo, matalino sa mga desisyon at may tinatagong bait, mapagkumbaba at matulungin. Isa ako sa nabigyan ng pagkakataon makita kung ano ang mga simpleng gawain nito pero nakakatulong ng higit sa negosyong nasasakupan. Simple pero nakakabilib sa galing ang resulta.

"Someone has said he hasn't trusted any woman to be with, like a wife for his own. Women are dying to be with him almost kneeling down but not getting any chances even to catch his eyes. As you've noticed, we are all men working under him on this floor."

Bulong ng katabi, ang briton na kaibigan. Nakatitig din ito sa boss. Ang mga piling empleyado ay naimbitahan para sa 'toast' dahil sa success na natanggap sa pagtatapos ng third quarter sa taon na ito.

Tapos na ang toast at nag-uusap ang mga tao sa paligid kaya malaya ang katabi magsalita na ako lang nakakarinig, "And then?" Tanong ko.

"I've heard, some years ago. There's an attempted murder for his life, a well planned by a woman using poison. It was stopped, a real joke if did not. He has that full force of bodyguards and it will be a blast of mockery," enjoy magkwento.

Hindi ko alam iyon.

Sabagay, sa mahigit ng apat na taon, puro negosyo ang gusto matutunan at ang personal na buhay ng boss ay hindi naman naririnig pero minsan ay sumasagi sa isip kung may pamilya ba dahil wala naman nakikitang babae sa tabi nito o di kaya ay pumunta dito.

"Does he have a family?" Hindi ipinahalata ang curiosity.

Nagtataka naman itong napatingin, "You do not know? Where were you working all this time? Or are you listening to what I've said?" Nakatawa pa pagkatapos.

"Just tell me," dahil wala talagang ideya ang sariling isip.

Nagsalita kahit parang obvious ang sagot, "A filthy wealthy man has no heir of his own... everyone here knows that. I'm glad I've found someone like you."

Binigyan ko siya ng death glare.

"Rest on, Trod," nakakaloko pa rin ang ngiti, "You are truly a nonchalant man. I have so much to learn from you."

"Should I thank you?" Tanong ko.

Binalewala nito, tumikhim lang at nagpatuloy, "If you have no heir and you have this vast richness, what will you do?"

Napaisip muna sa sagot sa tanong bago ibigay ang nararapat para sa sarili, "I will give it to charity works."

Tumawa ito ng malakas pero kontrol, "Really? How about spend it full before going to the grave?"

Umiling para dito, "Selfishness."

Masaya ang mukha nito, ang kasunod ay bulong lamang, "A lot were expecting of how will a man like him could possibly be doing without an heir."

Bago ko pa putulin ang usapan na ito dahil hindi gawain ang pumasok sa ganitong usapan, ay nagpatuloy pa.

"Some are trying to get a link with him and only a few he accepted but none are stepping beyond the line. Only his bodyguards can truly stand beside him."

Doon pumasok ang isang reyalisasyon ang katotohanang hindi pansin noon. Totoo ang sinabi ng kaibigan, kahit nagtatrabaho kasama ang boss, tanging ang mga bodyguard lamang nito ang nakakalapit sa tabi mismo at palaging may distansya para sa iba. Sabagay, sa taong katulad ng isang Olis Martis, ang proteksyon ang una sa lahat. Sa dami ng nakaabang sa buhay nito, mahirap ng tumayo mag-isa sa mga taong lumalapit lalo at iba't iba ang mga pakay.

"Compared before, women can be at his side whoever he chose. After the news about him almost taking poison from a woman, he started to unloose them all until none remains."

BOOK 9 - SILENT HEIRESSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang