Chapter 40

1 0 0
                                    

Hasmina Hilson

The fourth week.

Ang araw ngayon ay bago ang araw ng pasko.

Hindi maalis sa isipan ang nasaksihan kanina, ang mukha sa likod ng maskara. Maskara pala, ang akalang mukha ng leader.

Madaling araw na. Hindi magawang antukin sa mga naiisip. Nakaupo lamang dito sa attic ng gallery. Marami ang gusto gawin pero hindi nagagawa dahil sa dami ng ginagawa. Pero ngayon ay nakaupo lamang, hindi alam kung ano ang uumpisahan. Sa mga ganitong pagkakataon, ang sitwasyon ngayon ay kagaya ng isang taong walang focus sa buhay.

Dahil sa dami ng nangyayari.

Nagagawa dati pagsabayin ang twist ng pangyayari.

Ngayon ay nahihirapan, dahil nararamdaman ang kakaibang gravity ng grupo. Ang mabagal na usad ng mga bagay bagay. Gusto lamang siguro mas maging mabilis ang bawat mission ng grupo, ang matapos na ang lahat at gawin na ang palaging naiisip araw araw.

Elan.

Kakaibang damdamin ang bumalot sa loob.

Naputol ng may musikang nag-umpisang tumugtog, marahan at mahinahon, pwede ng makatulog.

Mabilis tumayo at tumakbo, umalis sa attic at bumaba sa madilim na gallery, diretso sa private personnel office at pinasok ang pinto. Maliwanag ang pasilyo papunta sa elevator. Mabilis pumasok doon at bumaba ng isang floor. Bumukas ang pinto at napatitig sa nabungaran ng paningin.

Magulo ang living room, nitong Sanctuary. Kanina ay maayos ang paligid bago tumaas sa attic, ngayon ay dinaanan ng cyclone.

"Ate! Ang baby cheetah nakawala!" Sigaw sa kanang bahagi, sa may pasilyo paliko papunta sa mga silid ng laboratoryo.

"Ate, di namin makontrol. Ayaw naman kami tulungan ni ate Sapphire!" Sigaw din ni Peridot.

Kaya pala tumunog ang alarm sa ere, ang musikang mahinahon, "Where is she?"

"Ang baby cheetah, ate?" Inosenteng tanong ni Peridot, wala na ang pagkataranta kanina lamang.

Napangiti sa napansin, at tumango para dito.

"Doon na siya sa kusina, te. Kanina pa kami naghahabulan eh."

Agad pumunta, sa kaliwang bahagi ng living room. Walang pinto pero napapalibutan ng pader na dinisenyo sa anyo ng prutas. Malinis at hindi magulong tingnan.

Humakbang papalapit, walang ingay pero hindi mabagal, habang ang dalawa sa likod ay nakasunod. Unang nakita ang buntot sa sahig ng masilip sa gitna ng dalawang nakatayong saging bilang pasukan sa kusina. Mabagal gumalaw at maaring nakaupo sa sahig o nakahiga.

Lumapit pa doon, natigilan saglit ng marinig ang tunog ng plato. Nauna ang dalawa sa likod pumasok sa kusina.

"Ate Sapphire! Pagkain namin 'yan!"

Sumunod ako papasok, at tumayo lamang sa tabi ng saging. Sa harapan ngayon ay ang baby cheetah na nabanggit ng dalawang dalagita. Nakaupo sa sahig at nakayuko, habang hindi alintana ng dalawa na nangangalit ang cheetah at labas ang pangil. Maaari susugod bigla lalo kapag hindi inaasahan.

Baby? Nasa apat o limang taon na ito, kasing laki na rin ng dalawang cheetah sa Isla Sapira, na parang malalaking pusa. Hanggang ngayon iyan pa rin ang tawag sa kanya.

"Gutom ka na ba, ate? Kanina kasi hindi ka kumain. Ako nagluto nyan," ang boses ni Peridot.

"Luto 'yan ni Ate Hasmin, nilagay mo lang sa food heater," boses ni Lu Won.

Dalawa ang wala sa cheetah na ito, walang sariling pangalan at hanggang ngayon ay si Sapphire pa lamang ang sinusunod pero hindi pa perpekto. Dito sa Sanctuary nakakulong mula pa noon.

BOOK 9 - SILENT HEIRESSWhere stories live. Discover now