Chapter 35

1 0 0
                                    

Trod Villan

February

It has been months, four months done.

Maayos ang pamamalakad sa lahat ng koneksyon ng Hisser Group sa bawat bansang pinupuntahan. Ngayon ay bumalik dito sa Germany para sa gathering ng executives. Dahil sa pagsisilbi sa boss ng tapat at pagbibigay nito ng maraming oportunidad, naging kabilang ang sarili sa Director's Executives. Special division para sa pamamalakad sa ilalim mismo ng Director at nasasakupan.

Tapat?

Muntikan ng hindi.

Pero sisiguraduhin ko na sa araw na ito.

Tama na ang paghihintay sa kalokohan.

Napangisi sa mga naisip, sa mga oras na yaon na ibinigay at walang saysay.

Dapat matagal ng natuto.

"Trod, nice to see you, my friend," salubong ng kaibigang briton pagkalabas pa lamang sa elevator ng Executive's floor.

Hindi pa rin naalis ang ngiti sa sariling mga labi, "Yeah, and it's nice to be back. How are you?"

"I'm great. I'm always am!" Pinaliyad pa ang dibdib at pinakita ang budge na hindi napansin.

"Congratulation," tinapik ko ito sa balikat, "That's a great news," dahil kabilang na rin ito sa posisyong parehas ng sa akin.

"Hardworking, Trod. You inspire me, very honest in your job," ng may malaking ngiti sa labi.

"Thank you. I'm happy for you, my friend," totoo sa puso ang sinabi. Halos sunudan ang pagpasok namin dito ng mga panahong nag-uumpisa pa lamang sa pagtatrabaho sa kompanya.

Pero ang narinig pa lamang na salita, honest? May kirot na dumadaan sa dibdib.

"Come'on. It's nearly to start," yaya nito.

Naglakad sa pasilyo patungo sa silid na pakay, nang hindi pansin ang kasabayan sa likod at mas mabilisan ang paglalakad. Malapit masagi sa malaking katawan na mas una maglakad.

Buti hindi dumikit at ang batong katawan ay baka magbunguan ng wala sa oras. Malalaman ngayon kung matutumba pa ba ang sariling katawan, na hindi kagaya noon. Ilang taon ng pinagsumikapan banatin ang katawang ito para hindi agad matumba.

"You're too fast, Jazz. I can't almost breathe!"

"You've started this. I will win this race."

Nagkakarera pala sa paglakad. Ang nagsalita ay ang batang babae kasabayan nito. Nauna ang dalawa at halos tumakbo ang bata.

"The heiress," bulong ng kaibigan.

I know, dahil sa dami ng dyaryong nabasa, memoryado na ang mukha at sinasabi sa tinagong heiress ng boss. Sa naging lakad namin noon kasama ako, isa pala ito sa private life ng pinagsisilbihan. At ano koneksyon ng babaeng iyon?

"Trod, come on."

Losing again my focus!

Pumasok sa malaking pintuan at bumungad sa paningin ang mga taong palaging nakikita na dito, sa pormal na mga kasuotan at kagalang galang. Mga masasaya ang anyo at nag-uusap. Ang iba ay nagtatawanan. Marami ang nakapa-ikot na lamesa at pagkain. Ganoon din ang hindi karamihan na bodyguards, mga nakatayo lamang sa mga gilid.

Si Olis Martis ay nasa gitna nila. Lumapit ang dalawang nagkakarera kanina. Mas lumapit ang bata at humihingal pa, sinalubong ng yakap ang ama nito at nagkukwento.

Himna Martis. Ang pangalan ng heiress. Malapit at katunog ng Hasmina.

Muli, dumaan ang kirot sa dibdib.

BOOK 9 - SILENT HEIRESSWhere stories live. Discover now