Chapter 23

118 4 0
                                    

Trod Villan

Kinabukasan, nawala ang hindi magandang mood, napalitan ng panibagong araw at panibagong gawain. Kaysa pagtuunan ng pansin ang mga walang kwenta sa paligid ay mas tama lang ituon ang oras sa mas importante at progresibong bagay.

Kagaya ng meeting ngayon, bilang representative ng isang Olis Martis, ako ang itinatalaga nito sa mahahalagang pananalita lalo sa mga mahahalagang tao, na kahit hindi magsalita ang boss ay ako ang representante nito. Kaya lahat ng komunikasyon sa negosyo ay nabigyan awtoridad alamin.

Pero ang ngayon, sa loob ng meeting room kausap ang piling national officers, kung masayahin ang anyo nito kahapon, kabaliktaran ang mapapansin ngayon. Hindi man halata dahil ganito palagi ang anyo nito kapag sa negosyo, sa mismong sarili ay alam ang pagkakaiba.

May koneksyon ba dito ang babae kahapon? Hindi ba may usapan sila magkita sa gabi? Kumusta kaya?

Sa kabila ng napapansin ay pinagpatuloy ang tungkulin hanggang sa matapos ang meeting. Nakompirma ang hinala ng mapagsolo sa loob ng opisina nito. Nagulat ng bahagya sa klase ng tanong nito ngayon ng may kasamang walang pagbibirong kaanyuan.

"Are you aloof being with women, Trod?"

Hindi iyon nabigyan agad ng sagot dahil rude ang lalabas sa bibig, kailangan muna piliin ng isip ang bawat salitang bibigkasin. Pero bakit ganito ang tanong?

"Do not mistake me for asking a private question. It is just an old man's doing, after hearing some curious stuff from his employees."

Parang hindi ito pastime lamang, may punto at mahalaga ang tanong para dito. Kaya sinagot ko ng maayos, "I lived in a place where women were always pestering me around, home or school or even in the market. I just want to live without their useless flirting. I know, not all women are like that, but I think the kind of my life is always encircling with one who makes my very single day... uncharming."

Kahit nakakatuwa ang tonong ipinarating dito ay parang walang talab o hindi man lang ngumiti.

"What about their beauty?"

Ngayon lang maranasan makipag-conversation dito, at sa ganitong topic.

"If others are too happy to be noticed by beautiful women, I am not. I have three siblings and they are too beautiful. What I'm saying is, I'm used to women's beauty and it feels like I'm not that prone to be under spells with their seductions."

Ang kasunod, medyo matagal na katahimikan. Malalim ang iniisip nito na kayhirap arukin. Naghihintay para dito ng mangyayari pa kasi iyon naman ang dapat.

Hanggang gumalaw muli ang mga labi, "I will let you handle our business connections over Asian countries. More focus on this country," mula sa drawer ay inilabas ang isang folder at ipinakita ang loob, "You grew up there. You are very familiar with the place. I'll also give you a special assignment that no one should know aside from me."

Diretso ang titig nito na nagdala sa sarili na parang ipinako sa kinauupuan. Hindi pa matukoy kung ano ito.

"I'm sending you after a month, prepare yourself. Before going there, come to me first and I will give clear instructions of what you should do."

Ang tono at utos na hindi dapat baliin.

Hasmina Hilson

Marami pa ang nagbago.

Sa sarili.

Ganoon din, kailangan ng mas mahabang oras ang manirahan sa Pilipinas. Malapit na ang magiging sunod sunod na gawain ayon sa planong ibinuo noon pa man. Wala man salita galing sa leader, mahahalata ang kakaibang temperatura sa ere lalo kapag gumalaw ang una sa numero. Kung dati ay maraming pasikot sikot, malakas ang pakiramdam, ngayon ay malapit na sa tuwid na direksyon.

BOOK 9 - SILENT HEIRESSDove le storie prendono vita. Scoprilo ora