Chapter 10

135 7 0
                                    

Hasmina Hilson

Umalis na ako sa kinatatayuan at naglakad muli. Nang makakita ng double deck bus, sumakay at pinili ang sa itaas na upuan. Ang kasama ay hindi tumabi, piniling sumandal sa makapal na bakal at nakatayo. Malapit lamang ang destinasyon sa lugar na sinabi sa bata. Bumaba agad ng bus at naglakad lakad muna sa magkakatabing branded shops. Tumitingin tingin at naghahanap ng gustong makita ng mga mata.

May isang tindahan na mukhang mga luma ang paninda. Hindi man lang tingnan ng mga dumadaan. Iyon ang pinili at pinasok. Konti ang tao sa loob at magulo pa ang mga display.

"What's for you, dear?" Tanong ng isang hindi katandaan pero matabang babae, nasa kabilang counter at mas lalong nagugulo ang display dahil nasasagi ng katawan.

"Pencil," tipid kong sagot.

"You could check it over there," itinuro ang malayong corner. Tapos nagtanong sa kasama, "German?"

"Half and half Italian," sagot ni Jazz.

Pinuntahan ko ang lagayan ng mga lapis, konti na lamang ang nakalagay sa kahon. Kinuha ng isang palad ang mga iyon at inisa isa titigan.

Iba't iba.

Iba't iba ang pangalan, ang paggagamitan, ang kapal at nipis. Malambot at matigas na kapag ginuhit, iba't iba ang kalalabasan depende sa itim na kulay sa dulo. Kagaya ng buhay na mayroon ang isang katulad ko.

Hindi pansinin kagaya ng lapis.

"You do what I've told you."

Ang pagbili ng lapis, "I am already thinking of buying before you said so," naging tapat.

Parang hindi narinig, "I'm going somewhere," nagpapaalam.

Walang salitang lumabas sa bibig, patuloy ang pagpili kung alin ang bibilhin.

"Watch after yourself, kid."

Sa mga lapis na hindi napili, ibinalik ang mga iyon sa kahon. Anim ang natira sa kamay at ang mga iyon ay iba't iba.

Napansin naglalakad na palayo si Jazz. Nakatingin na lamang dito hanggang lumabas at nawala sa paningin. Ginawa ang sunod, pumunta sa counter para magbayad sa malaking babae.

Bago pa makalapit ng tuluyan, may dalawang lalake ang nauna. Ang isa ay kinausap ang babae, may matalim na malapit sa malaking tiyan nito. Ang isa naman, tumalon sa kabila at tumabi sa babae, kinukuha ng mabilis ang mga nakalagay sa kaha.

Thieves.

"How much all of these?" Tanong ko sa malaking babae nang ipakita dito ang hawak.

Sabay sabay ang tatlong pares ng mga mata ang pumunta sa akin. Hindi sinagot ang tanong ko.

Iba ang sumagot, iyon ay mula sa likod, "Two pounds worth for a word... get away," isa pang kasabwat.

Binigyan ng signal umalis ako doon at tumabi. Ginawa ko dahil may baril sa loob ng jacket nito.

"Go get them all!" Nagmamadali ng sabi ng may patalim sa kumukuha ng pera.

"Of course!" Excited ang isa.

"I want three packs to rub in," sabi ng nasa likod kanina.

"Get it by yourself!"

"I will buy it."

Biruan nila. Lumiko ito sa isang shelves ng mga babasaging lagayan ng kandila. Napalingon ako sa babae at nakitang namumuti ang mga labi nito, hindi makapagsalita habang nakatitig palipat lipat sa dalawa. Ang isang customer, sumunod pa ang isa, mga lumabas nang mapansin ang nangyayari. Ako na lamang ang naiwan.

BOOK 9 - SILENT HEIRESSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora