Chapter 17

83 2 0
                                    

Trod Villan

Bahagyang napangiti sa mga naalala.

Pagkatapos ng ibinigay kong saglit na halik, tulala ang magandang pares ng mga matang nakatitig sa akin.

Naglaho rin ang klase ng ganyang titig, at sumilay naman ang ngiti mula sa mga labi.

Napakagandang ngiti!

Matagal napatitig sa mga ngiting iyon.

May ingay na narinig, saka lang napansin na may isa pa palang babae ang nakamasid, tulala din ito. Ito ang kaibigan ng kapatid na unang lumapit kanina at nagpakilala pero kalimot agad ang isip kung ano ang pangalan.

Dahil isa lang ang pumupuno ngayon sa loob at ang sunod naisip gawin ng may malaking pagnanais. Inalis ang atensyon sa isa at nilipat sa babaeng pinakasentro ng lahat. Inalis ko ang sariling braso mula sa pagkakayakap sa babae pero ang isang kamay ay di ko pinakawalan, hinawakan iyon ng mahigpit at hinila palabas sa convenient store. Mahigpit ang pagkakahawak kahit malayo na sa pinanggalingan, naghanap ng lugar na tahimik at walang masyadong tao na titingin.

Sa malapit na parke nakarating, sa ilalim ng malago at malaking puno ay tumigil, saka ko siya hinarap. Nakahanda na sana sa isip ang itatanong pero umatras ang dila dahil sa pagharap ay ang magandang mukha nito ay sobrang malapit sa akin, na nakatingala at inosenteng nakatitig. Parang pinaparating na isa akong kahanga-hangang nilalang.

Isang bagay na nagbibigay kislap sa mga mata nito--

"Elan," sambit sa mahina at napakagandang boses.

"Hmm?" Ito lamang ang lumabas sa bibig.

"I will wait for you to grow up."

Sa mga salitang narinig, hindi alam kung ano dapat ang ibalik sabihin. Marami gusto itanong at muli nadagdagan na naman dahil sa deklarasyon ng babae.

"And you wait for me too."

Bago pa man may lumabas sa sariling bibig ay muling natigilan ng bumitaw ito sa pagkakahawak ng kamay namin. Tumalikod at nag-umpisa ihakbang ang mga paa.

Nataranta ang puso ng hindi inaasahan, kaya, "What for?" Iyon agad ang tanong ko.

Kumalma ng konti ang loob dahil tumigil ito pagkatapos ng dalawang hakbang papalayo. Muling humarap at lumapit. Nabitin sa ere ang hangin para huminga nang mas lumapit pa at ang dalawang braso ay pumaikot sa bewang, habang nakatingala ang magandang mukha.

"Because you're mine and I'm yours. You just sealed it by your kiss," sa mahina pero malinaw na pagkakabigkas.

Nang hindi gumagalaw kahit isang sentimetro, tinanggap ang muling pagkakadikit ng mga labi niya sa akin, ang malambot sa pandama na ang hatid ay hindi maintindihan ang tamang salita pero nagugustuhan kahit sa napakaliit na sandali.

Tuluyan ng umalis. Hindi ko napigilan hanggang nawala sa paningin, dahil nawala sa tamang lokasyon ang isip at puso para gumalaw.

Kaya nasabi ng isip na ang magandang babaeng iyon ay hindi na asungot, flirt o kung ano pa man katawagan na panira sa katahimikan, dahil ang desisyon, tanggap ang mga salitang natanggap. Tinatanggap ng walang pagtatanggi.

A stranger claims me to be hers.

Napangiti pa lalo.

Why not? Wait for her.

Hasmina Hilson

Mula sa malayo ay pinagmasdan saglit ang lalakeng nakasabay sa elevator at nakasunod kanina. Parang may hinahanap.

BOOK 9 - SILENT HEIRESSWhere stories live. Discover now