Chapter 37

213 6 1
                                    

Trod Villan

Naalimpungatan mula sa panaginip, paiba iba at nakakalito, kung sino ang papalit palit na kasama sa bawat sitwasyon. Nakakapagod sa isip.

Agad bumalik ang kaninang pakiramdam ng mabungaran kung saan ngayon, ang pinakamaganda sa lahat pero ang nagbibigay din ng matinding takot at kaba na baka pansamantala lamang ang mga ito.

Pero hindi.

Nakapaloob sa kamay ang malambot na kamay ni Hasmina. Pinisil ko iyon, saka umupo mula sa pagkakahiga at inilapit ang labi sa likod ng palad at binigyan ng halik at tumingin sa babaeng nakaupo sa katabing upuan, na may librong hawak sa isang kamay.

Ramdam ang lakas ng tibok ng puso. Sa isip ay dahil nagising at nagisnan ang babaeng sana ay hindi mawala sa akin, na kanina bago matulog, hinawakan ang kamay at sana ay hindi umalis.

Nandito pa ngayon.

Umalis sa upuan at lumuhod paharap dito sa kinauupuan nito, "Kumusta ka?"

Inalis ang paningin sa binabasang libro, tumitig lamang ang mga matang diretso kung tumingin, pero mahirap maarok kung ano ang iniisip.

"What are those things inside your head while looking at me like that?" Tanong ko, ipinakita ang kagustuhan malaman.

"Nothing," balik sa pagbasa ng libro.

"Liar," bulong ko, "Where's my wake-up kiss?" I teased her.

"You gave it to me already," naglipat ng pahina sa binabasa.

Ang halik ko sa palad niya? "Ang halik mo para sa akin, Hasmina," sa buong pagkatao ay parang importante na ito.

"One is enough, two is too much," ng hindi inaalis ang mga mata sa librong binabasa.

Hindi ibinigay ang inaasam, kaya tumayo mula sa kinaluluhuran. Naglakad at pumunta sa kusina at kumuha ng baso sa katabing pitsel ng tubig, nagsalin at uminom. Para maalis ang bara sa lalamunan at para--

Walang dumaan sa isip na naghahanap.

Bumalik sa sofa bed na hinigaan kanina. Mula sa harap na lamesita ay kinuha ang gamit sa opisina, inilabas ang ilang papeles sa cases at nagbasa ng reports na ibibigay sa boss kapag nakipagkita dito. Halos perpekto ang reports at walang tinatago mula sa mga koneksyong trabahong ibinigay. Confidential ang iba at kailangan ibigay ng personal.

Perpekto at walang tinatago ang mga report sa papel pero ang isang ako ay mayroon. Kaya ko ba makibanggaan sa isang katulad ni Olis Martis? Ang isang taksil? Ito maaari ang magiging tingin sa akin, pagkatapos ng lahat ng pagtatrabaho sa ilalim nito.

Pero ako ito, katulad noon ay isinasaayos agad ang lahat at dapat nasa ayos ang mga bagay bagay. Si Hasmina, may pangako kami noon sa bawat isa, at tumutupad ako sa pangako.

Lumingon sa babaeng tinutukoy, nahuling nakatitig ito ng diretso, sa akin. Nawala ang kaninang hinanakit dahil sa pagbabalewala.

"May mga bagay akong mahahalaga sa akin, noon pa tinatago ko na. Gusto ko ipakita sa iyo kapag nasa Pilipinas tayo, mga bagay na nagpapaalala sa akin hintayin ka," ang mga alaala ng stalker noon, ang mga iniwan sa akin.

"Same with me," sagot naman, "I kept important things which reminds me of you."

Napakurba ang sariling labi, hindi mapigilan lumabas ang kasiyahan, "Excited akong makita."

Walang ngiting ibinalik, kundi ay itinabi ang librong hawak, "I'm going to sleep."

Mabilis ang responde ng isip, "Sleep beside me," kagaya sa eroplano, kagaya ng pagkapit ng kamay niya sa damit ko, "Here," umusog at binuksan ang bisig para anyayahin ito sa tabi ko.

BOOK 9 - SILENT HEIRESSWhere stories live. Discover now