Chapter 14

89 3 0
                                    

Hasmina Hilson

"Inside?"

"Hmm, yeah."

Pinag-isipan ang posibleng nasa loob na nga. Bakit hindi? Natutunan mula kay Shinn Lou ang ugali na maging simple-minded lamang lalo kung unknown ang nangyayari.

"Puntahan natin."

"Sa wakas, kanina pa malikot ang paa ko maglakad na papunta doon, buti naisipan mo na," una pang tumayo ito at lumakad papunta sa pinto.

"Paano siya?" Turo ko sa lalakeng may brownish na buhok na natutulog sa pagkakaupo sa sulok.

"Safe siya dito. Kung ako din lang naman papipiliin, sino susundin ko? Ang mga taong sinusundan ako dahil gusto nila malaman kung saan ko nakuha ang brown tag o kaya, sa taong naka-asul na nagbigay ng brown tag o kaya sa dalawang babaeng naka-disguise at gusto malaman ang tungkol sa brown tag?"

"Sino nga ba?" Tanong ko.

"Eh di sa dalawang babaeng naka-disguise."

"Sa akin, kung ako papiliin, sa naka-asul na nagbigay ng brown tag," sabi ko.

"Eh di delikado ang buhay ng lalakeng ito," sabay turo sa lalake.

"Siya ba ang pinag-uusapan natin? Ang usapan kung sino ang pipiliin mo sa tatlo o kung sino ang pipiliin ko," sabi ko pa, manifestation ng pagiging simple minded.

Nagbigay ng batok, hindi nakaiwas ang ulo sa bilis, "Pero bakit sa naka-asul?" Tanong nito.

"Para mabilis matapos at harapin ang taong iyon. Kung ang ama ko ang pinadalhan niya ng brown tag, uunahan ko siya," totoo ang galit na nararamdaman, "at para matapos na training mo dito, alam ko naman marami ka rin gustong gawin sa buhay mo."

Parang balewala lang, "Okay, got it."

Wala ng liwanag ng lumabas sa lugar ng pinagtataguan. Isang room for rent para sa short time travellers, maliit lang at kinuha agad nang makatakas at para hindi masundan ng mga nakasunod kanina, nang kinuha namin ang lalakeng nagpadala ng brown tag sa isang food competition.

Pinuntahan na nga ang lugar ng mayamang negosyante sa bansang ito. Walang isang oras narating ang pakay na lugar. Limang daan metro bago ang napakalaking mansion, itinigil ang nirentahan na sasakyan.

"Mahigpit ang mga bantay, paano makalusot?" Tanong ng katabi.

"Sa underground canal," suhestiyon ko.

"Hah? Ayoko subukan," nakasimangot na, "ikaw na lang kaya? Hintayin ko ang pagbalik mo."

"Sige," pero bago makalabas ng sasakyan, napigilan nito sa braso.

"Seryoso ka?"

Tumingin ako sa kanya, "Oo."

Mas lalong sumimangot, "Diretso ang alam kong daan. Gusto mo ba sumabay sa akin?"

Diretso? Literal? "Sige," pumayag agad sa plano nito.

"Follow me," nakangiti na.

Sinundan ko nga ito. Pagkalabas ng sasakyan ay una itong naglakad sa gilid ng kalsada. Habang naglalakad, sabay inaayos ang damit at hood na nakatakip sa ulo at kalahati ng mukha. Dahil sa malayo ay nakikita agad ang hindi mabilang na undercover security, itinalaga sa pagbabantay ilang daan metro sa paligid ng nasasakupan. May mga sasakyan at police patrol, trained dogs at hindi mabilang na iba't ibang sandata.

Kompleto. Parang may giyera.

"They are making sure no one will walk freely on this way around," sabi ni Wayne.

Nakasunod pa rin ako sa kanya. Sa paglalakad na ito, marami ang agad nakakakita.

"Sa tingin mo... huhulihin tayo o hindi?" Tanong nito.

BOOK 9 - SILENT HEIRESSWhere stories live. Discover now