Chapter 44

106 5 0
                                    

Hasmina Hilson

Nawala na sa paningin pero nanatili pa rin ang sarili sa kinatatayuan. Dumaloy sa isipan ang lahat at ang desisyon pa lamang. Itinaas ang kamay at muling natitigan ang asul na singsing. Ang iba't ibang emosyon sa loob ay napagtuunan ng pansin na kanina pa naghahabulan at ang umibabaw ay ang hinahon ng puso. Pero ngayon ay balak alisin.

Pinatigas ang isang kalamnan at humarap sa likod. Sa paglalakad pabalik sa pinanggalingan ay kita ang mabilis na pagpasok ni Jazz sa silid. Ang apat na bodyguard ay hindi tumutol ng diretso akong pumasok sa loob.

"Mi, the party I'm talking about is tonight, dad just told me. He reminds me to remind you to be with us at the party. You already know what he means. What does it mean?" Ang salubong ng kapatid.

Nasa likod nito si Jazz.

Tumigil ng mahinahon sa balak sana, "Where's the dress?" Tanong ko.

"Really?!" Excited nitong usal, "You're going with us?"

Tumango at nagpakita ng ngiti para dito.

"I'm happy! It's been a while since you join us like this."

Habang ang nasa likod nito ay iwas ang tingin.

Hinawakan ako ng kapatid sa braso at hinila papunta sa isang silid, nahulaan ito ang silid ng ama dahil sa nagkalat nitong gamit sa higaan. Nilapitan ng kapatid ang dalawang magkapatong na kahon, kinuha ang pinakamalaki at ibinigay nito.

Hindi pinagkaabalahang tingnan ang laman, agad ng nagpaalam, "See you later, Him."

"You are not going to stay here? Oh... you have a lot of work I remember. Then, take care Mi," yumakap at humalik sa pisngi.

"Do not wander around outside again," paalala ko.

"Of course, Jazz is here. He is so strict," ng nakasimangot, "it's good I have a new friend. He's still outside?"

Agad ko ng tinalikuran ang kapatid at sinabing, "He already left."

Sa habol pa nitong tanong ay hindi binigyan ng sagot. Hindi rin binigyan ng pansin ang lalake sa tabi, agad ng nilisan ang lugar na ito. Sa pagbaba ng elevator ay kinuha ang cellphone at binuksan ang personal surveillance ng sasakyan ni Trod. Tama ang hula at gamit nito ngayon ang sasakyan na iniwan kanina sa harap, sa parking lot ng hotel. Ayon sa mapa ay hindi sa direksyon papuntang condo ang patutunguhan. Hindi inaalis ang titig sa screen at naghanap ng posibleng route nito.

Hanggang makasakay sa inupahang taxi ng makompirma ang hula kung saan pupunta. Nagdesisyon sundan, iyon ay dahil sa maraming dahilan. Nangunguna na ang puso na kahit hindi handa ang makita itong nasasaktan na parang hindi kayang tumingin sa katulad kong nilalang ay gagawin harapin at magpaliwanag.

May rumehistro sa screen ng cellphone, isang incoming call. Binuksan ang linya dahil malinaw kung kanino galing.

"Back me up, Hasmin."

"Where?" Alinganin ang pusong sumunod kahit ito ang inaabangan habang nasa Sanctuary kanina, dahil ang mensahe kanina ay mag-stanby kasama si Jillian.

"To know the unknown."

Hindi ginawang sumagot.

"I'll wait for you here in our Sanctuary."

Ang klase ng boses na hindi dapat baliin ang utos. Napahinga ng malalim pagkatapos ibigay ang sagot. Ilang sandali pa at sinabihan ang driver ng taxi ibahin ang landas, saka itinago ang hawak na cellphone dahil wala ng dahilan para subaybayan ang susundan sana.

Bagsak ang puso pero pinigilan ang ipinapakita ng ano man repleksyon ng nararamdaman sa panlabas na anyo. Kahit ng makarating sa Sanctuary at harapin sa isa sa underground ang Leader at si Jillian.

BOOK 9 - SILENT HEIRESSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें