"Dapat hindi mo nalang ako nilapitan kung sa tingin mo ay may mas magaling pa sa kompanya namin. It's not our loss if you choose another contractor. And don't worry, we won't get offended so no hard feelings done.  We're being flooded with projects anyway." I quipped.

Laking pasalamat ko sa lumapit na server dala ang salad ko. I shall give her a tip for interrupting our conversation. Conversation nga ba o a disguised argument?

"Is that all ma'am or may additional order pa po kayo?"

"Wala na. Thank you," ani ko.

Bumigat ulit ang hangin na bumabalot sa 'min nang umalis ang server. I'm secretly looking for vacant seats. May table sa dulo na may isang bakenteng silya. It's either siya ang lilipat o ako. But I'd rather na siya ang lumipat, ako ang nauna rito eh.

"I'd be honest." Binalikan ko siya nang siya'y magsalita. "My father wants DC to do the services again. To make you feel better, he was satisfied with the outcome of your work. But I want something more. I'd much prefer a bidding process this time."

Is he talking about that project three and a half years ago? Wala nga siguro kami naging project sa kanila pagkatapos nun.

Yumuko ako't pinaghalo ang mga sangkap ng salad. "I have to ask my father about that. Siya pa rin ang masusunod."

"If so, you're still welcome this Monday at White Harbor's conference room. One in the afternoon sharp," pormal niyang ani.

I'd been there twice, and it never crossed my mind to go back there for the third time.

"Wala naman sigurong magpapalayas sa 'kin doon if I go there uninvited."

Baka kasi gumaganti siya since hindi siya pwede sa premises ng DC. It might be that he has also enforced a no trespassing order for anyone related to me or DC.

Nahagip ng mga mata ko ang padulas na pag-lapit ng tasa sa plato ko. Nakahawak ang kamay niya sa handle ng tasa at ang isang daliri niya'y inaabot ang kamay kong nakahawak sa tinidor.

I'd be lying kung sasabihin kong hindi ako nakaramdam ng kuryente sa haplos na 'yon. Mabilis kong nilayo ang kamay ko.

He smirked upon seeing my reaction.

"I will always welcome you, Lorelei. With open arms and parted lips." Nanunuya niyang pinadaan ang kanyang dila sa ibabang labi.

Kumapal ang kung ano mang bumabara sa aking lalamunan. Nag-iwas ako ng tingin at nagpanggap na ganado sa pagkain. I'm trying to put a distance here, pero ang galing lang niyang gumiba ng espasyo. It's more than a nice try, Rouge.

"Now that you're done with verbalizing your intentions, why not let me eat alone? Can I have my peace now?" pagsusungit ko.

Hinilig niya ang katawan sa mesa, lumapat ang kamay niya sa kalatagan nito saka nilapit ang kanyang mukha sa 'kin. Tinitigan niya ako nang may aliw ngunit mariin.

Mala-demonyo siyang ngumisi. "I can. But I'd be leaving a wake of no peace in your mind," senswal niyang bulong.

Sumandal siya sa kanyang upuan at hindi ako tinatantanan ng kanyang mga mata habang iniinom ang natitirang patak ng kape sa tasa niya.

His whole disposition screams sinister. Dumukot siya sa kanyang bulsa, binuksan ang wallet at nag-iwan ng bill sa mesa. Pinatagal pa niya ang pagtitig bago siya tumayo at lumabas ng café.

Hindi niya ako binigo sa banta niya, because true to his words, he left me here with no peace of mind. He left me here frustrated.

Hindi ko alam kung anong laro niya ngayon. All I know is it's a dirty tactic I could feel the mud staining me. Hindi ko na nga siguro siya maiiwasan. Not for the lack of trying.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Where stories live. Discover now