Nakatitig sa kanyang cellphone si Lauris nang pumasok ako. Nakapagpalit na siya ng hospital gown. Hindi niya ako binalingan nang umupo ako sa kanyang paanan.

"Halsey is dad's daughter," panimula ko.

Inalis niya ang mga mata sa cellphone at sinilip ako. Baluktot siyang ngumisi dahilan upang malukot rin ang galos niya sa pisngi.

"You didn't bother tell me." Wala 'yong bahid ng panunumbat.

Dumaan ang panunuya sa kanyang mga mata. "Didn't know you're interested."

"Kahit na. You told me a lot of stories everytime you visit me in Vegas that were shy of importance than this one," pangangatwiran ko.

Inangat niya ang balakang at umusog pataas sa kama upang mapasandal sa gabundok na mga unan.

"Important?" halos matawa siya. "How important, Lory? Ngayong alam mo na na hindi kay Rouge si Halsey what are you going to do?"

"Nothing!" Tumaas ang boses ko sa mapang-akusa niyang tono. "I wouldn't have known that she's our sister had I not done something that made Rouge tell me it's not his kid."

For as long as they keep me in the dark about this, I wouldn't have really known. Swerte nang hindi kasali si Rouge sa agenda nilang paglilihim sa 'kin. Not that it's a big deal.

Putting this in another way, kung sakali mang kay Rouge si Halsey, I think I still would have treated the child the same way as I do now.

"So what's with you and Rouge?" His eyes are probing.

"Pag-uusapan talaga natin 'to?" naghahamon kong untag.

Sa lahat ng tao dapat siya ang mas maalam na wala na akong dapat pang kinalaman sa kanya. And now he's asking me about us?

"If you're open into talking about him then siguro wala na talaga, Lory. You had a past. Tapos ngayon palagi kayong magkasa—"

"It's your fault." Sinundot ko siya sa kanyang tagiliran. "Kung hindi mo ako dinala sa date auction hindi 'to mangyayari."

Nagtataka niya akong tinignan. Bahagya siyang napanguso. "What do you mean? He was there?"

"You didn't sabotage it?" mapang-akusa kong untag.

Inosente siyang umiling. "No. Why should I?"

Tinitigan ko siyang maigi. Ilang beses na akong nabiktima ni Lauris sa mga practical jokes niya noong mga bata pa kami. I usually look at him in the eye and dig up holes for the truth hanggang sa matawa siya.

But right now, his deep-set almond eyes that are similar to mine danced in confusion. Hindi 'yon nahaluan ng aliw. So that just means he's telling the truth.

Bumuntong hininga ako at hinubad ang aking sapatos. Humiga ako sa tabi niya. Tinaas niya ang railings sa side niya saka siya umusog upang bigyan ako ng espasyo. Hirap pa rin siyang kumilos dahil sa kanyang neck brace niya sa leeg.

Nang maayos na siya sa pagkakahiga ay doon ko piniling magsalita.

"He bidded five million for me under the name Mr. Monsalve which happens to be his middle name."

Nanlaki ang mga mata niyang dumapo sa 'kin. Tumango ako.

"Holy shit!" tumawa siya't pumalakpak, tumigil saglit at sinubukan akong lingunin na bahagya lang niyang nagawa. "He did that?"

"Shut it, Lauris," seryoso kong sita. "C'mon just tell me the truth. Hindi kita sasaktan. Bukas na kita pupuruhan kapag nakalabas ka na nang ospital."

He laughed and raised his hand in surrender. "No, I swear Lory. I didn't know anything. Damn fucking alpha man."

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Where stories live. Discover now