Lies and truth

7 2 0
                                    

"G-gab?" Ulit ko pero parang hindi niya ako narinig. Nilampasan lang niya ako nang nakatingin sa phone niya.

Napatitig ako sa sa kanya, nakaheadset pala siyang papasok ng shop.

NG SHOP?

"Gusto mong malaman ang totoo?" Si Kiel sa likod ko. Napatingin ako sa kanya.

"Huwag kang mag alala. Pipigilan ko nga 'di ba?" Malungkot na ngiti niya sa akin.

Sht.

Parang hindi ko kaya.

Hinila niya ako papasok ulit sa shop. Sumabay kami sa dalawang pumasok para hindi kami mapansin.

Hinanap namin ang pwesto ni Laura at andoon siya.

Katapat si Gab.

Sht. Sobra na ang tibok ng puso ko.

Umupo kami sa likod ni Laura. Buti na lang at mataas ang sandalan ng upuan ng shop na 'yon. Hindi kami makikita.

"Listen." Si Kiel.

"What do you want?" Si Laura.

Hindi kumibo si Gab.

Sht. Heto na.

"Anong nangyari sa panunuyo mo kay Cassidy?" Mataray na tanong ni Laura. Ibang iba sa maamong pakikiusap niya kay Kiel kanina.

Ito pala ang totoo.

"I know her true colors kaya una pa lang, alam kong hindi ako magkakagusto sa kanya." Si Kiel.

Napangiti naman ako kahit papaano sa sinabi niyang 'yon.

"It's just a way to f-forget you, you know that."

It's just a way to f-forget you

It's just a way to f-forget you

It's just a way to f-forget you

It's just a way to f-forget you

Nawala bigla ang ngiti ko. Parang may sumuntok sa puso ko sa linyang niya na 'yon.

Sht.

"You know how much I love you right? Just a second chance. Please."

Sht.

Naramdaman ko ang pag init ng mga mata ko. Ang sakit. Wala akong narinig na sagot galing kay Laura.

"I'll just back to Singapore. There's no any reason to stay here." Sabi niya. Ni Gab.

Durog na ang puso ko.

Halos mapulbos na sa sakit.

"Let's go." Si Kiel. Nanghihina man, pilit kong tumayo. Wala sa isip kong hinablot ko ang kwintas na bigay ni Gab saka itinapon 'yon sa kanilang dalawa.

Masakit.

"WHAT THE HECK?" Narinig kong sabi ni Laura.

Lul. Dapat kaserola ang ibato sa 'yo.

Sa wakas ay nakalabas na kami ng shop. Agad naman akong niyakap ni Kiel.

"Shhh. I'm here." Malungkot niyang sabi. Ngayon, masasagot ko na ang tanong ni Lovely sa akin.

Na gusto ko na nga si Gab.

Nararamdaman ko rin na nasasaktan din si Kiel.

"U-uwi na tayo." Iyak ko sa dibdib niya. Wala na kaming paki sa mga taong napapatingin sa amin sa ganoong posisyon.

Hindi na siya sumagot pero hindi niya ako pinakawalan. Niyakap niya pa ako ng mas mahigpit.

"I'm so sorry. K-kasalanan ko." Bulong niya. Hindi ako sumagot. Iyak pa rin ako ng iyak.

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now