Surprise

15 4 0
                                    

Lumipas ang College week namin nang hindi ako pumupunta sa school. Ilang araw na akong taong-bahay. Ayoko muna magpakita sa school baka makasalubong ko iyong kupal na iyon.

*sigh*

Panggulo kasi ng buhay. Tsk.

Balita ko pa na second over all ang department namin sa mga contest sa loob ng limang araw. At ang department naman daw ng Educ ang over-all champ.

What's new?

Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko alam kung papaano haharapin lahat ng kutya sa akin mamaya dahil sa naganap noong Battle of the bands kahit ilang beses nang nagtetext sa akin sila Rommel na okay lang daw sa kanila.

What's new?

Lagi naman akong sinasabihan ng masasama ng mga alipores sa school dahil sa amin ni...

Kiel.

T_T

Oo nga pala, sa mga nakaraang araw, hindi na rin siya nagparamdam mula noong birthday ko. Pero kahit ganoon, tinext ko pa rin siya ng pasasalamat sa painting na ibinigay niya sa akin na kasalukuyan kong tinititigan ngayon.

Panatag pa rin akong mahal niya pa ako. OA lang talaga ako.

*sigh.

Lumabas na ako ng bahay para pumasok. Regular class na kasi. Pagkatapos na bakasyon grande ko.

At mag isa na lang talaga ako pumasok ngayon.

Expect ko naman.

Kahit masakit.

Napahawak na lang ako ng mahigit sa strap ng bagpack ko at nagpatuloy sa paglalakad.

------

As expected...

"Hahahahaha! Pasali sali pa kasi kala mo kinaganda niya yon!"

"Oo nga! Napahiya pa tuloy dept nila! Hay nako."

"Buti wala sa tabi niya si Kiel kundi, masasama sa kahihiyan niya. Tss."

Sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Tss. Let's go girls. I smell fishy."

"Yea yea. Eww."

At ayon, sinundan ko sila ng masamang tingin hangga't maglaho sila sa paningin ko.

Pero hindi lang pala sila ang makakapuna.

What's new?

Habang binabalagtas ko ang corridor, bulung bulungan pa rin sa paligid. Wala eh, major major kasi nagawa ko.

-____-

Hayy, buti na lang malapit na room namin. Makakaiwas na ako sa mga *toot tooooot*.

Marami rami na ang classmates ko sa room nang makapasok ako.

"Hey Cass. Kung iisipin mong galit kami, hindi. Okay lang sa amin iyon." Si Lovely.

"Thanks. Pero sorry talaga." Sabi ko.

"It's okay na." Nginitian ko na lang siya. At mukha naman sa iba kong classmate na wala lang sa kanila.

Baka wala lang silang paki.

Naupo lang ako.

Wala pa siya. Tss.

Kailan pang natutong magpalate itong si Kiel? Depress din kaya siya katulad ko?

*sigh.

At ayon, dumami na ng dumami ang mga classmates ko at dumating na rin ang prof namin.

Pero wala pa si Kiel.

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now