Reminisce

18 4 0
                                    

Sa pagbagsak ko sa kama, iyon din ang pagbagsak ng mga luhang hindi ko na mapigilan. Nasasaktan na ako. Hindi ko alam na ganito pala kasakit dahil ngayon lang kami nagkaganito ni Kiel.

Humarap ako sa study table ko, doon ay napatitig ako sa nakaframe na masayang candid picture namin ni Kiel na kinuha noong junior-senior promenade namin.

Napangiti ako ng mapait.

Kailan kaya mauulit ang ganyang ngiti natin, Kiel?

*flashback*

Promenade, hindi katulad ng iba, hindi ako excited. Wala naman kasi akong gagawin doon kundi magpakababae ng todo, kumain, manuod ng mga sumasayaw at tumunganga.

"Teka? Asan si Cassidy?" Pambibiro ni kuya sa akin nang lumabas ako sa salas na nakaayos na.

"Tse!" Inirapan ko na lang siya. Ang hirap hirap kaya mag 4-inch-heels tapos nakaball gown. Hayst.

"Ngayon lang kita nakitang naging tao baby! Hahahahaha. Tara picture tayo!" Sira ulo talaga itong kuya ko.

"Yiiiiiiiie! My baby girllllllll!" Jusko ang OA talaga nitong si mama kahit kailan.

"Ma! Picturan mo na kami dali!"

"Ay dapat kasama ako! Love, picturan mo kami!" Sigaw ni mama kay papa dahilan para lumabas ito galing kusina.

At tulad ni mama....

"Ang ganda ganda naman ni bunso! Wag mo muna sagutin si Kiel ha?"

"Hay nako love, picturan mo muna kami!" Si mama.

"Eh? Dapat kasama ako. Tsk."

Nagkatitigan kaming apat. Saka sila natawa. Tss.

"Pano niyan? Hay nako." Hirap nako kasi sa heels ko.

Walang umiimik hanggang isang malakas na katok ang narinig namin.

"Ako na." Prisinta ni kuya.

"Sino yan?" Si mama.

"Oh, may taga picture na tayo. Hahahaha!"

Tumingin ako kay Kuya at nakita kung sino kasama niya.

Grabe parang tumapat sa akin ang spotlight sa sobrang silaw ng nilalang na 'to.

All black siya liban sa long sleeves niya na kulay aquamarine. Mula tuxedo, pants hanggang leather shoes, matté black. Ang gwapo gwapo niya. Idagdag mo pa ang pagkaka-gulo gulo ng buhok niya na mukhang sobrang lambot. At ang gray bowtie niya.

Grabe. Ito ba talaga ang date ko ngayon?

"Baby girl? Okay ka lang?" Nagising ako sa pagkakahumaling kay Kiel.

"Mas gwapo pa naman ako!" Si kuya at papa. Sabay pang nagsalita. Haha.

"Uhm, ako na po ang magpipicture tita." Hala pati ang boses, pinamake over ba niya? Ang gwapooooooooo!

"Ok sige. Yieeee! Osha, tara!" Binigay ni mama ang hawak niyang DSLR kay Kiel.

At iyon, nagcompress kami. Naiilang ako sa pagngiti dahil baka mapangitan siya sa akin.

"Cassidy, don't be nervous. Haha. Smile naturally." Sabay tingin sa akin.

Hala. Mas lalo ako kinabahan. Takte picture pa lang to! Tsk tsk.

Nagpatuloy ang picturan. Mula formal, wacky at papalit palit ng pwesto.

"Okay kayo naman dalawa! Yieee." Si mama naman ang humawak ng camera.

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now