CE-2A

11 4 0
                                    

This. Can't. Be. Happening

HOLYBEEF.

Nakatulala pa rin ako kay Kiel na nakatitig sa laman ng sketchpad ko.

Hindi ako makagalaw o makapagsalita. Tsk!

Maya maya pa, binitawan na niya iyon at nilapag sa study table ko at doon ako nakabalik sa ulirat.

Akma siyang lalabas pero pinigilan ko.

"Bakit?" Cool niyang sagot na nakatingin sa akin.

Disappointed siya. Bigtime. Tsk.

"Uh....ah. W-wag ka s-sana mag isip ng kung ano an----"

"Eh ano sa tingin mo iisipin ko?"

Shoot. 3 points.

Tinabig na ang kamay ko na nasa laylayan pala ng shirt niya.

"Nextime na lang tayo mag usap. After class ulit kina Rommel." At tuluyan siyang lumabas ng kwarto ko.

This. Really. Can't. Be.

Narinig ko ang pag sarado ng pinto sa salas. Nakaalis na yata siya at ako, naiwang nakatulala na naman.

Naiiyak.

Sinulyapan ko ang sketch pad ko.

sht you!

Nilapitan ko iyon at tinitigan.

At parang siya rin, taimtim ding nakatingin sa akin.

Napapikit ako habang mahigpit ko iyon hinahawakan. Gusto kong lukutin ang isang page na iyon pero bakit hindi ko magawa?

Napatingin ako sa pintuang nilabasan ni Kiel, gusto ko siyang habulin pero, bakit hindi ko magawa?

Bakit?

Anong problema sa akin?

Ano?

-------

Sinulyapan ko ang relos ko na nasa ulunan ko lang.

11:57

Sht.

Ilang oras na pala ang pagmumuni muni ko, ang pagpipigil ko sa mga luha ko.

"UUUURRRRGH!"

Napasabunot ako sa sarili ko. Anong katangahan kasi ang sumapi sa akin para itago pa siya!

Napaupo ako agad agad at tinignan ang phone mo, nagbabasakaling nagtext si Kiel.

Kaso wala.

Padabog kong nilagay ulit ang phone ko sa gilid saka humiga.

Bahala na bukas.

-------

Kinabukasan, mahapdi pa ang mga mata kong antok na antok pa. Sht.

Saka ko naalala na naman iyong mukha ni Kiel na halong disappointment at lungkot ang nakapinta.

Sht talaga.

T______T

Wala, pinilit ko nalang bumangon at pumasok para makita siya. Bahala na talaga.

--------

Hindi tulad ng mga nakaraang araw, kahit magkatampuhan kami ni Kiel ay nasusundo niya pa rin ako.

Pero ngayon...

T_____T

Naiiyak ako habang mag isang naglalakad papasok. Wala akong pakialam kung pagtitinginan man ako o pagtatawanan na ng mga alipores sa tabi tabi.

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now