Past

13 4 0
                                    

Magandang tulog equals magandang nilalang este gising. Hehehehehe.

Nag unat unat pa ako saka bumaling sa relos ko.

7:05

Ayos na ayos lang ang oras dahil alas nuebe pa ang pasok ko. Dali dali akong bumangon at inayos ang higaan ko.

"GOOOOOOOOD MORNING AAAAAAAAHASDFGHJKL!" Sabay unat ng mga binti at kamay ko. Ang gaan gaan ng kasi pakiramdam ko. Rejuvinated ako matapos ang masarap na tulog.

Pumunta na ako sa banyo saka nag ayos. Simple shirt, tattered jeans at rubber shoes lang napili kong suotin ngayon.

Lagi lagi pala na ganoon ang suot ko. -_-

Pinony tail ko ng bahagyang mataas ang buhok kong isinawsaw sa pinturang kulay abo para maaliwalas ang face ko.

Ganyan nga Cass. Ngiti lang.

Kinuha ko ang bagpack saka tumungo sa kusina para magkape at pumasok na.

"Hmmm hmmm hmm." Nagha-hum ako habang naglalakad nang naka earphones. Ewan ko ba, basta nakakagood vibes talaga ang umagang 'to.

Sa school, muntangang nakangiti akong naglalakad sa corridor at nakita ko ang weird na mga tingin sa sumasalubong sa akin.

Wala kayong pake at wala akong pake! Hahahahahaha!

Hanggang sa locker area, pagkuha ng libro ko ay parang napakagaan sa loob.

Sa room naman ay agad ako tinabihan ni Lovely.

"Hey. Blooming Ms. Gray?" Sabi niya.

"Magaan lang ang pakiramdam." Sagot ko.

"Uh. Alam ko na kung bakit." Nakatingin siya sa bracelet ko.

"Gabriel Del Rosario. Nice." Patango tango siyang nakangiti.

At ganoon din ako.

Dumating ang prof namin.

"Okay class, attendance muna. Miss Ancheta?---"

"Hey. Napansin kong wala si Kiel." Bulong ni Lovely sa akin. Lumipat na siya ng upuan.

Napatingin ako sa row na inuupuan nila Kiel, wala nga siya.

"Mr. Gomez?"

"Wala po siya. Dinala po raw ulit sa hospital sir." Sumagot ang kararating lang na si Laura.
Garalgal ang boses.

"Tsk tsk. How's he?" Tanong ng prof namin.

"I don't know pa po." Malungkot na sabi ni Laura saka siya umupo.

"Sige. If that's the case, ieexcuse ko na lang siya."

Dinala siya? B-bakit?

"Ms. Lorenzo?"

"Present." Mahina kong sabi.

Bigla ako nakaramdam ng pag aalala kaya naman tinext ko si Tita Angela.

Hi po. Tita, musta po si Kiel?

Ilang minuto pang paghihintay ng reply ay walang dumating kaya naman hindi ako mapakali hanggang sa magsimula na ang klase.

-----

Breaktime.

Nagpunta kami ni Lovely sa canteen. Siya lang ang bibili dahil nawala ang gutom ko sa pag iisip kay Kiel.

"Hey tara." Sabi niya.

At pabalik na kami ng room, napansin kong may nakasandal sa harap ng pintuan namin.

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now