Unexpected

4 2 0
                                    

Napakabilis ng pagtakbo ng oras. Napaka talaga as in, super.

"Hoy. Dalian mo na d'yan dahil ikaw na susunod. Tss." Si Kiel sa tabi ko.

"Ikaw kaya mag make up sa akin? Bakla ka naman." Irap ko sa kanya.

Maya maya, inilapit niya ang mukha niya sa akin, didn't mind the make up artist. Walang hiya talaga 'to eh.

"Umalis ka diyan. Paano ako matatapos nito?!" Irita kong sabi. Ang kulit kulit niya kasi.

"Anong sinabi mong ba--kla ako?" He said it in super duper sexy voice.

Umirap ako.

"Bulol!" Asar ko. Nabubulol kasi siya nitong mga nakaraang araw.

Pero mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya sa akin.

"Hey Mr. Gomez. Nagmemake up o--"

*tsup*

O_________o

"Yieeeee!" Kilig na sabi ng taga make up sa akin. Tsk lokong Kiel talaga. He loves to kiss my forehead kahit kailan.

"Oh ayan na! Tsupi!" Pangtataboy ng bakla.

"Naks. Nagmukha ka nang tao--ARAY JOKE LANG!" Binatukan ko siya.

Dumeretso kami sa conference room para sa graduation picture namin. Nauna na sila Kiel dahil matagal kaming ayusan mga babae.

"Cassidy Lorenzo!" Tawag ng classmate ko na mukhang kanang kamay ng photographer. Sinuotan na ako ng toga at iniabot na ang mortar. Natulala naman ako roon.

Sa wakas, makakamtan ko na rin ang inaasam asam kong pangara--

"Hoy. Picture pa lang 'yan." Sabi nong classmate ko.

Inirapan ko lang at nagposisyon na sa pagkuha ng litrato.

--------

"Beybe, anong gift mo sa akin?" Si Kiel. Nasa canteen kami ngayon.

"Tinapa." Simpleng sagot ko naman.

Tumahimik siya kaya bumaling ako sa kanya.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Takte mukha siyang tanga kapag nakapout. Hahahahahahaha!

Pero lalo pa siyang ngumuso kaya binato ko ng tissue.

"Stop doing that. Muka kang pwit ng manok! Pffffft." Halos mahampas hampas ko na ang lamesa katatawa. Hahahahahaha.

"Cassidy!" Napatigil ako at napatingin kay Kiel saka sabay napatingin sa entrance ng canteen.

Si Alex, Lawrence, Jhay at Kris. Masayang palapit sa amin.

"Hey musta? Hey dude." Tango nila kay Kiel na napaseryoso nang wala sa oras. Mukha siyang iritado.

"Heto, matatapos na ang paghihirap. Kayo?" Sabi ko.

Humatak sila ng ilang mono blocs saka naupo sa tabi namin.

"Takte buti pa kayo. Kami isang year pa! Tss." Si Alex.

May naalala tuloy ako.

"Si Lovely?" Takhang tanong ko ng may ngisi.

Napaiwas naman agad ng tingin si Alex. Hala? Mayroon ba ako hindi nalalaman?

"Uh. Eh. Hahahahahahaha! Walang sila Cass!" Si Kris. Tinawanan naman nilang lahat si Alex.

Napabaling ako kay Alex na lumungkot ang mukha. Hahahahahaha! Nak ng, kaya pala hindi maipinta ang mukha ni Lovely nitong mga nakaraang araw! Hahahaha.

Music. Art. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon