Music

17 4 0
                                    

"Anong pinaint mo sa park kahapon?" Tanong ni Kiel habang naglalakad na kami papasok ng school.

"Paint agad? Sketch lang." Pagswi-swing ko sa magkahawak-kamay namin. Cheesy no?

"Edi..."

"Wow?"

"Hindi."

"Meow?"

"Di rin."

"Eh?"

"Siret na?"

"Go."

"Edi...

garcia."

Sabay tawang niyang malakas.

Napangiwi tuloy ako.
Juscolored. Anong rabbies ang naiturok sa boypren ko?

"Hoy grabe ka naman! Joke po yon! Hahahahaha."

Nakatitig pa rin ako sa kanya na nakakunot ang noo.

"Hahahaha. Tigilan mo nga yan. Ang pangit mo. Hahaha" sabay takip niya sa mukha ko gamit ang buong palad niya.

Tsaka ako pinanggigilan.

"Ahmmmmmmft!"

Juskopo.

Hilo hilo ako nang matapos ang panggigil niya.

"Tara na nga! Dami mong alam, edi garcia! Hahaha." Medyo hilo pa ako pero inabot ko nalang sa kamay niya.

"Hehehehehehe." Medyo patawa tawa niyang sagot.

------

"Kyaaaaa! Andon na ba sila? Waaaah! Tara nuod tayooooooo!!!!!!"

"Tara tara! Yieeeee andon na naman si Gaaaaab!!!!!"

"Yiiiiieeeeeeee!"

Napakunot ako ng noo sa pag uusap ng mga freshies sa may corridor.

"Hoy, ano mayroon ngayon?" Pagbabaling ko kay Kiel.

"Mayroon? Eto, meron tayong dalawa." Sabay kindat niya sa akin.

Juskopo. Kala ko tapos na ka-ululan neto.

"Heh! Ewan ko sa'yo!" Irap ko sakanya.

"Uy girl, si Kiel oh. Sht. Yan na ba gelpren niya? Jusko hindi naman bagay sa kanya!"

Nagpintig ang kanang tenga ko sa pagbubulungang o hindi ko alam kung bulong paba kasi parang masyadong malakas para sa isang bulong.

Hinarap ko sila.

"Hoy!" Sabay dirty finger sa kanila.

"Ew? Parang hindi babae kung kumilos. Tss tara na girl."

"Oo nga. Kiel! Sakin ka nalang kaysa diyan! Haha. Tara!" Sabay alis nila.

"Hahahahahaha! Ano kaya kung sumama ako sa kanila?" Sabi ni Kiel.

"Tss. Ang cheap mo naman kung ganoon! Tse!" Sabi ko nang sinubukan niyang hawakan braso ko.

"Hahaha. Sasama ako sa kanila basta kasama ka. Hahahaha." Paghahabol niya sa akin. Wala, tuluyan ko nang nilayasan e.

"Hoy babae! Teka lang." Sigaw niya sa akin kaya medyo naghalf run nako.

Sinaktan niya ang puso ko kasi.

De joke. Nag iinarte lang naman talaga ako.

Sa paghahalf run ko, napatigil ako sa isang sulyap.

Sulyap tulad sa park kahapon.

1

2

3

4

5-----

Heto na naman ang pagka-countdown ko sa pagtitigan namin.

"Hoy babae!" Hawak sa balikat ko ni Kiel.

Pero hindi ko pa rin maalis sa titig ko ang mga matang minsang nagpakilabot sa akin...

...at ipinaparamdam na naman sa akin ngayon.

"Sino ba yang katitigan mo?" Nabalik ako sa ulirat nang sinundan ni Kiel ang tingin ko.

"Heh! Wala!" Sigaw ko sa kanya para hindi niya makita ang mga matang iyon.

"Sus... kumukupas na ba kagwapuhan ko kaya nakakakita ka na ng iba?" Malungkot niyang sabi sakin. "Am I not that good enough?" Sabay parang sakit-sakit-sa-dibdib acting niya.

"Tigilan mo nga ako. Tara na! Labyu. Tss"
Hila ko na sa kanya.

"Hehehehe. Alam mo talaga ang kiliti ko beybe. Labyu din!" Akbay niya sa akin. Ang bilis talaga pagcha-change mood nito.

Habang binabalagtas namin ang corridor papuntang room namin, nadaanan namin ang auditorium kung saan may nagpapratice na banda.

You could have a change of heart

You could only change your mind..

Coz I'm crazy about you baby

Time after time.

"Sus, mas maganda pa boses ko. Pwe." Comment ni Kiel.

"Tara tignan natin saglit." Hila ko sa kamay niya. Kinakain na naman ako ng curiousity dahil sa boses galing sa auditorium.

"Tss."

Nang makapasok kami, napatakip ako ng tenga. Maraming estudyante kasi ang nanunuod at tumitili. Kala mo, concert ang nangyayari roon.

"Kyaaaaaaaah! Pogi mo Gaaaaaaaaaaaaaab!!!!"

"Waaaaaah!! Go Gab my loveeeeeeeeeees!!!!!!!"

Pare-pareho sila ng sinisigaw at iisa lang ang tili nila na parang may harmony.

Harmony talaga, Cassidy? Maryosep ka. Hahaha.

Halos hindi ko pa makita masyado yung banda dahil sa layo ng stage mula sa amin at sa dami ng nanunuod.

"Girl girl!!! Si Kiel nasa likod mo!!!!! Yiiiiiiieeee" Sabi nung nasa may harapan namin nang mapalingon sa amin.

"Hala! Kyaaaaaaaaah!!!!!!"

Naghaliparot na naman sila nang makita boypren ko.

Sorry hanggang kilig na lang kayo.

Inirapan lang sila ni Kiel.

"Pogi ko talaga." Seryosong bulong niya sa akin.

Oh kitams? Hahaha. Sakin na 'to booooy.

Nang binaling ko ulit mga mata ko sa stage, naningkit na ako para makita kung sino tumutugtog.

O_o

When love and hate...

Sabay mulat niya, ayon na naman ang mga pamilyar na mga mata...

...collide.

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now