Stay

15 4 0
                                    

"Sweetie, inom ka na muna oh." Si Mama. Siya ang unang kinontak ko dahil siya ang laging available sa pamilya ko.

Pero hindi ko siya pinansin. Hindi ako makaramdam. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Mababaliw na yata ako. Hindi ko mailabas ang mga luhang kanina pang gustong kumawala.

Lutang na lutang na ako.

"Sweetie. Magiging okay si Kiel. Trust God." Saka niya ako niyakap.

Sht.

Hindi ko na napigilan at humagulgol na ako sa balikat ni Mama. Sinisisi ko ang sarili ko. Kung bakit ko pa siya tinawag. Kung hindi sana kami magkagalit, hindi mangyayari ito. Kasalanan ko ang lahat.

"Iyak ka lang. Magiging okay din si Kiel okay?" Pang aalo ni Mama sa likod ko.

"What happened to my son?" Si Tita Angela, ang mama ni Kiel.

"Still in the operating room." Kumalas na si Mama sa akin at binalingan si Tita Angela.

"Oh my God." Garalgal niyang sabi saka napaupo sa tabi ko. Yumuko ako.

"A-ano nangyari, C-cass?" Sabay yakap niya sa akin. Sakanya naman ako yumakap.

"S-sorry p-po."

"N-no one wants this." At umiyak na rin siya.

Hindi ko namalayan ang pagdating ng iba pang kakilala ni Kiel dahil unti unti akong nakaramdam ng pagod dahilan para makatulog ako sa upuan.

--------

"How long he will be like this doc?" Naririnig kong usapan nila.

"In this moment ay hindi ko pa masasabi sainyo. Severe injury ang nakuha niya lalo na ang ulo niya. Let's just wait for the improvement that may lead to his conciousness." Sagot naman ng doctor.

Unti unti akong nagmulat, sila tita Angela at tito Kurt kausap ang doctor sa may harapan ng pintuan ni Kiel.

"Hey sweetie. How's your feeling?" Napatingin ako sa gilid ko, si Mama pala. Nakahiga ako sa lap niya habang inaayos ang buhok ko.

"How's Kiel Ma?" Napaupo na ako sa tabi niya.

Napabuntong hininga siya.

"He just undergone an operation, sweetie. He's in a stable condition now."

"Pwede ko na po ba siyang puntahan?" Tanong ko.

"I don't know kasi narinig ko, unconcious pa siya."

Sht. Naiiyak na naman ako. Bakit hindi pa siya gumigising?!

"Hey Cass, how's your feeling?" Si tita angela. Mugto ang mga mata niya halatang galing sa iyakan. Nakaabay sa kanya si tito Kurt na halata rin ang lubos na lungkot sa mga mata.

"H-how's Kiel tita?" Ulit kong tanong sa kanila nang maupo sila sa tabi ko. Nagmano naman ako sa kanila.

"He's stable now. He's...." hindi na naituloy ni tita angela dahil umiyak na naman siya. Agad naman siyang inalo ni tito Kurt.

"H-he's w-what tita?" Konting konti na lang, hahagulgol na naman ako.

Nang makapunas ng luha, saka siya ulit nagsalita.

"H-he's in c-coma."

At parang water falls na dumeretsong lumabas mula sa mga mata ko ang luha ko.

"H-he will b-be a-alright d-dipa p-po?" Sht. Inalo na ako ni Mama.

"Major injury hit h-him so the doctor said that it is unsure when he will w-wake up." Si tito Kurt. Napasinghot na rin siya at inalo ang asawa.

Parang isang milyong karayom ang tumutusok sa buong pagkatao ko.

Ang sakit sakit.

Kinurot ko ang sarili ko, baka sakaling panaginip lang ang lahat. Nang hindi ako magising, mas malalakas na kurot pa ang ginawa ko.

Ha-ha. Panaginip lang ang lahat h-hindi ba?

"Oh my. Stop doing that sweetie. Tsk tsk." Pinigilan ako ni Mama.

Kaso hindi.

Hinding hindi.

Sumuko ang kamay ko sa mga bisig ni Mama. Yumakap ako sa kanya. At niyakap naman niya ako ng mas mahigpit.

Nakakapanghina.

Ilang oras pa akong tulala, pero hindi ako iniwan nila Mama at tita Angela. Inaayos naman ni tito Kurt papeles ni Kiel sa hospital. Maya maya pa, dumating na ang doctor.

Agad nagsitayuan sila mama at tita Angela. Hindi ako makatayo. Hinang hina na ako.

"You can now visit him. Just wear the mask and dress. Sensitive pa rin ang lagay niya kaya these are must." Sabi niya sa amin sabay bigay ng mga iyon.

"Thank you doc." Sabi ni Tita Angela. Umalis na ang doctor at iniabot niya sa amin ang mga susuotin.

"Uh. Sweetie. Magbihis ka na muna. May dala akong damit mo. Angela, comfort room lang kami." And she offer a hand to me.

"Sige sige." Si tita angela.

At ayon, nagpunta kami ni Mama sa comfort room. Napatingin ako sa salamin.

Sht.

Kalahati ng damit ko ang namantsyahan ng dugo. Dugo ni Kiel. Unti unti ko hinawakan ang mantsang iyon. Saka ako naiiyak.

"Maghilamos ka na rin."

Ginawa ko iyon. Saka sinuklay ni Mama ang buhok kong buhul buhol na.

"Everything will be alright. He may not wake up at this moment, maybe sooner or later. Makakaya ni Kiel iyon, anak." Saka niya tinali ang buhok ko.

Niyakap ko ulit si Mama.

"Thank you Mama." At inalo niya ang likod ko.

--------

Naghihintay lang kami ni Mama sa labas ng ICU dahil hindi pala pwedeng lahat kami ay pumasok agad.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko saka binigyan ako ng mapait na ngiti.

Na hindi ko masuklian.

"Maya maya andirito na ang Papa at Kuya mo." Sabi niya.

At bumukas ang pintuan, lumabas na nagpupunas ng luha sila Tito Kurt at Tita Angela saka sila napatingin sa amin hudyat na mapatayo ako.

Nagkatinginan lang kami saka nila ako tinanguan. Ako lang muna ang papasok sabi ni Mama kanina.

Sana makaya ko.

Isang malakas na buntong hininga muna ang nagawa ko sabay ng pagpihit ng door knob. Medyo dim lights sa loob. Unti unti ako naglakad papasok saka pagkaliwa ko, andoon siya.

Napayuko ako. Ayoko siyang nakikitang ganito. Ang sakit sakit.

Ilang segundo pa ay napaangat ako ng ulo at tuluyang lumapit sa kanya.

Nakabenda ang ulo, braso at binti. Naka oxygen at kung ano ano pang nakalagay na aparato sa kanya. Tahimik siyang natutulog at ang aliwalas ng mukha niya katulad ng mukhang minahal at minamahal ko. Ilang sandali pa ay hinawakan ko ang kamay niya.

Sabay ng paghawak ko ulit sa kamay niya ay ang pagbuhos ng luha ko.

"S-sorry." Nasabi ko na lang. Ni hindi ko mahigpitan ang hawak sa kamay niya dala nang panghihina ko.

"G-gising ka na. M-mag uusap pa t-tayo 'di ba?"

Pinagmasadan ko ang mukha niya. May mga galos pati sa kamay niya.

Sht.

Kasalanan ko ito.

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now