Broken Harmony

13 4 0
                                    

"HAHAHAHAHAHAHAHA! GRABE BATAK NA MAMAYA!" Si Jonas.

"Haha. Kita kita na lang tayo sa designated rooms natin." Si Jonar.

Buti pa sila, masaya. Ako? Heto, pasulyap sulyap na lang kay Kiel habang nakahiga siya sa sofa nila Rommel. Katatapos lang namin i-finalize ang lahat lahat. Pati ang dalawang practice namin sa tatlong kanta namin ay tapos na. Pero lumipas lahat nang iyon, walang pagbabago ang reaksyon ni Kiel.

T_____T

"Hindi ba Cass? Haha." Napatingin ako, si Jonas.

"Uh-eh oo! Ha-ha-hahahaha!" Sabi ko lang sabay ng pekeng tawa.

"Kita niyo? Kanina pang lutang yan. Naku, mapanganib 'yan sa mamaya." Si Rommel.

"Loko Cass. Ayusin mo. Hahahaha oh." Si Jonas sabay abot ng sandwich sa sakin.

"Thanks." Bumalik ang gutom ko nang matikman iyon. Hindi kasi ako kumain buhat kagabi.

"May apat na oras pa tayo para magpahinga. Alas otso naman start so, 7 dapat andoon na tayo." Si Jonas.

"Sige. Pre, una na ako. Matutulog pa ako." Si Jonar at tumayo na.

"Ako rin pre. Tex text na lang." Si Jonas.

"Sige. Kayo Cass?" Si Rommel.

"Uh. Oo una na rin pala ako. Marami pa ako gagawin eh. Hehehe." Tumayo na ako papuntang pintuan nang magsalita si Kiel.

"Pre."

"Sige pre. Ingat kayo. Cass, ingat kayo."

Kaya naman napalingon ako.

O_o

O//////o

>///<

Nabundol pa ako sa dibdib ni Kiel! Tsk tsk.

"Ah. Sorry. Uh.. Rommel, bye!" Sabay takbo ko palabas. Ewan ko ba, naduduwag ako kapag si Kiel na kaharap ko. Takot lang siguro akong masalo ang mga mata niya.

"Why you're keeping distance from me?" Napahinto ako. Tsk! Sa gate na ako eh!

"Distance ba kailangan mo? Okay fine." Saka niya binuksan ang gate sa harap ko saka nilagpasan ako.

T_____T

Pinagmasadan ko lang siyang palayo sa akin. Siguro hindi na niya ako ihahatid tutal tanghali pa lang naman. Pero...

Naiwan na naman ako.

Nakatanga.

Naiiyak.

---------

From: Rommel

Wer r u? Otw nko sa school. Room 203 tau. Kita kits!

Pambungad ng phone ko. Nagtext din sila Jonar at Jonas nang kaparehas kay Rommel. Jusko, sila na talaga excited.Tsk napahaba na naman tulog ko. Mag alas sais na kasi.

Hindi ko nang nagawang magmeryenda kasi agad agad na akong bumangon saka dumeretso sa banyo para maligo at makapag ayos.

Si Kiel kaya? Papunta na rin kaya?

Napabuntong hininga na lang ako nang marealize kong wala siyang text sa akin regarding sa mamaya.

Sakit.

----------

Sht. Ang dami nang tao rito sa gymnasium namin, kumpol kumpol na ang mga estudyante sa mga benches o kaya sa labas ng gymnasium. Bongga talaga kapag may program.

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now