Fine arts, fine hearts

33 4 1
                                    

"Sorry miss." Sinabi ulit ni Kiel nang makatayo na yung babae.

"Okay lang." Ngiti naman niya habang pinapagpag ang likurang bahagi ng pantalon niya.

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Kiel nang makalapit ako.

"Ah, oo."

"Tara na. Miss, pasensya na." Kinuha ko na kamay ni Kiel at hinila ito.

Ngiti lang sinukli niya sa akin.

-------

"Oh bakit hindi ka pa yata makarecover diyan?" Tanong ko kay Kiel kasi napansin kong nakatulala siya.

"Ah? Hehe. Hindi. Tara."

Tss.

Nang makarating kami sa room, syempre tabi kami. Nilabas na namin ang kanya kanyang canvass mula sa locker sa room at iba pang gamit saka nagsimula na.

"Oy, patingin nga." Sabi sabay pagsisipa ko sa kanya

"Ays! Mind your own painting." Sabay talikod sa canvass ko yung canvass niya. Bali magkaharap na ang likod ng canvass namin.

"Damot mo! Once na mas mataas ako sa'yo, who you ka sakin!" Kumpyansang ngiti ko pa sa painting ko.

Di na siya sumagot.

Ilang oras pa lumipas, nasa kalahati na yung akin kaya tumayo muna ako at nag unat.

"Patingin na ako ng sayo." Baling ko sa kanya.

Pero dahil mailap tong mokong na to, tumayo agad siya at binuhat ang 10x15 na canvass.

Wow! Adrenaline rush koya?

"Dun ka sayo! Ahahaha!"

Nginusuan ko na lang siya.

"Hoy kayong magsyota, hinay hinay lang sa ingay. Tss." Reklamo ng isa naming classmate.

Epal. Hmf

"Haha! Sorry pre." Nagpeace sign pa ang mokong.

Pero kahit hindi buo, napansin ko pa rin naman kung ano pinaint niya.

Babae?

Ako na naman yata inspiration ng mokong na 'to. Ahihihihi.

-------

"Weekend na bukas, pasyal tayo?" Tanong niya sa akin habang naglalakad na kami pauwi.

"Keribels." Sabi ko habang pinag aaralan kamay niya at naglalakad sa may gutter at siya sa baba. Bali, naka elevate ako sa kanya.

"San mo naman gustong pumunta?"

"Depende sa budget." Tinawanan nalang niya ako.

"Ahaha, kahit ka talaga. Muka kang pera. Ahaha"

Binitawan ko kamay niya.

"Joke lang. Sige, 2k? Ayos na no?" Abot niya ulit sa akin kaliwang kamay niya.

"Gora" sabi ko. "Basta tapusin ko lang painting ko tapos text kita at sunduin mo na ako."

"Aye, Captain!"

-------
Alas sinco na ako nahatid ni Kiel dito sa bahay.

Dumeretso agad ako sa kwarto at nilapag ang canvass ko.

Tatapusin na kita para beauty rest bukas. Hahaha!

Naligo muna ako at nagkape bago ko pinapatuloy painting ko.

-------

Nagising ako sa vibrate ng phone ko na nasa ulunan ko pala. Kalahating higa ako sa kama ko, ginawa ko kasing upuan at nasa harapan ko ang canvass ko.

Intindihin niyo na lang! Haha.

Ang antok parang pag-ibig, ang hirap talagang pigilan. Hahahaha!

Naningkit pa ako ng kaunti dahil sa liwanag ng phone ko.

From kIeL_07labs♡
11:30pm

Hoy Cassidy! Kumaen ka diyan at para makatulog ka nang maayos at mapaginipan mo at bf mong gwapo. Hahah! I L0v3 y0u x0x0 mAtsz bH4bi3 c03h. Jeje

Jusko dumugo yata ilong ko.

Teka.

11:30? Ngayon lang nagtext? Hm, baka tinapos din niya yung kanya.

To KC♡

.-'cAtuloq aQue bHe. I L0v3 yOu diN muAh mUah!

Natawa akong parang tanga.

Ikaw lang nagdudulot sa akin ng ganito, mokong. Haha nakakahawa masyado ka-ululan mo.

Hindi ko na hinintay ang reply niya at bumaling na ako sa canvass na nasa harapan ng study table ko. Pirma ko na lang pala ang kulang.

Dali dali ko nang pinirmahan at sa huling sulyap, ngumiti na naman ako. Para na talaga akong tanga, pramis.

"We" ang nilagay kong title tabi ng signature ko.

Music. Art. LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя