Crack

17 4 0
                                    

Para akong zombie kung makalakad. Muntanga tuloy. Tinignan ko si Kiel na nauunang maglakad.

Mukhang okay naman siya. Selos lang yun. Oo selos lang.

Papunta kasi kami ngayon kina Rommel para sa pratice namin. Parang ayoko na nga pumunta kasi simula sa paglabas namin ng apartment ko hanggang dito, hindi ako kinakausap ni Kie------

"Oy, san ka ba pupunta?" Sabay hila niya sa kamay ko.

Sa sobrang pagkalutang ko, lumagpas na pala ako sa kanto nila Rommel.

"Ah.. sorry."

"Tss. Tara na." At iyon, nagpauna na siyang naglakad.

Pinagmasdan ko siyang nakapamulsang naglalakad.

Sorry Kiel pero hindi ako sanay sa ganito. Selos lang yan hindi ba? Selos?

Lumulutang ako lalo kapag ganito. Tsk.

------

"Hey good morning." Si Rommel pagkapasok namin.

"Uh.. morning." Sagot ko habang si Kiel, dire-diretso lang sa loob.

"Uh-huh?" Baling sakin ni Rommel. "I smell something."

"Uh.. e-hehehe. Wala yon! Hehehe." Naghand gesture pa ako para mas kapanipaniwala.

"Okay. Sabi mo eh."

"Hey, let's start." Si Kiel. Nakaupo na pala sa harao ng drums.

"Teka teka. Rommel, what's the second song?" Si Jonas.

"Here. Tell me if may objection kayo." Sabay abot ni Rommel ng paper kay Jonas at nilapitan na rin ni Jonar.

Habang ako, tumingin lang kay Kiel na mahinang nagpapatugtog sa drums.

"Hey Cass, and Kiel. Okay lang ba sainyo ito?" Abot ni Jonas sa akin.

"Okay lang." Nang mabasa ko ang title.

"Anything will do." Si Kiel. Hindi na niya tinignan kasi. Ayaw niya ba ako lapitan? Tsk.

"Here the song, listen to it then pag aralan mo." Abot ng mp3 ni Rommel kay Kiel. Tahimik lang kinuha ni Kiel ito at sinaksak na ang headset.

Hinayaan ko nalang siya. Mamaya ko na lang siya guguluhin. Magfofocus na muna ako. Bahala na mamaya.

T________T

"Okay guys just an hour para pag aralan yan." Si Rommel.

At doon, kinapa ko na ang chords habang pasulyap sulyap kay Kiel.

Magiging maayos din tayo mamaya, hindi ba?

-------

"Okay, let's do this. Kiel?" Si Jonas. Nakaset na kami.

Pinagpalo ni Kiel ang drumsticks niya hudyat ng countdown.

Pagkatapos non, nagsimula na akong magstrum. Hanggang sinabayan ni Kiel at ng lahat.

Katulad ng tutugin na 'to, magiging maayos din tayo, Kiel.

Kung malayo ka sa akin

Hinahanap hanap kita

Hindi ko alam ang aking gagawin

Laging laman ng isip ko'y ikaw ~

Marinig ko lang ang boses mo

Umaapaw sa tuwa ang aking puso

At sanay lagi tayong magkasama

Mababaliw ako 'pag nawalay ka~

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now