Art of Acceptance

9 2 0
                                    

Mag isa akong naghihintay ng bus. Nakakainis kasi bakit hindi ako masundo sundo ng kuya ko!

Napasabunot ako sa sarili. Mas lalo kasing lumalakas ang ulan. Wala pa akong payong. Parang senaryo lang sa mga teleserye. Tss.

Ilang oras na ang lumipas pero wala pa rin dumadaan na bus. Medyo madilim na rin sa paligid at lumalamig na.

Sa gitna ng pagkatunganga ko ay may head light akong natanaw kaya agad agad ako napatayo para i para 'yon.

Pero mukhang hindi ako napansin ng bus na 'yon at dumeretso lang. Takte natalsikan pa ako ng hayup!

"UUURGH!" Pagpapadyak ko. Nakakainis na talaga.

Naupo ako ulit sa waiting shed.

Ilang minuto...

"Wake up. Hey." Bulong sa akin.

Napadilat ako ng wala sa oras at inaaninag ang taong lapastangang gumising sa akin.

"Haha. Tara." Sabi niya pa.

.....

.....

.....

"KIEL VIN?!" Sigaw ko nang mapagtanto kung sino iyon. Nakajacket siya at basa na ang ulo.

"Tara, hatid na kita." Ngiti niyang inilahad ang kamay niya.

Kumunot noo ko. Namumutla kasi siya.

"Okay ka lang?" Sabi ko.

Ngumiti pa rin siya. Lahad lahad pa rin ang kamay niya.

"Tara--"

O_o

Agad ko siyang dinaluhan at halos mapaso ako sa katawan niya dahil sa init.

Sht.

"Nak ng! May lagnat ka bakit nagpapaulan ka pa?!"

Takte naman 'tong lalaking 'to! Imbis na sarili ko lang ang alalahin ko, dumamay pa siya. Tsk tsk. At dahil wala pang sasakyan, inihiga ko na muna siya sa bench at ini-unan ko sa kandungan ko.

Nagtext ulit ako sa kuya ko.

-'>>kKuyAh! TsKk suNdu¡N mUh aQoe d2! EMergEncY! TsKk tSkk!**

Nang masent iyon ay tumingin ako kay Kiel na nanginginig na. Nakakataranta na 'to!

Pinagmasdan ko ang namumutla niyang mukha at basang basa na buhok. Tama nga ang sabi nila na napakacute niya. Singkit kasi ang mga mata niya at pulang pula ang mga labi.

Napalunok ako.

Unti unti kong hinaplos ang buhok niya.

O__o

"Ano? Pogi na ba ako?" Mapait na ngiti sa akin habang hawak hawak ang kamay ko.

Sht.

Binawi ko kaagad iyon nang marinig ang busina ng sasakyan namin.

"HOY! TARA NA!" Sigaw ni kuya. Tumayo ako kaagad, bahala 'tong kumag na 'to.

"H-hey!" Umubo pa siya kaya binalingan ko.

"Kaya mo na yan! Tara!" Sungit kong sabi. Ang tinotoo ko naman 'yon. Sumunod siya sa akin sa sasakyan.

"Ano ginagawa niyan dito?" Si Kuya.

Dire diretso kasing pumasok sa back seat si Kiel na parang kanya itong sasakyan.

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now