Continuation

5 1 0
                                    

"Hahahahahahaha! Mas magaling pa rin pala ako sa 'yo!"

"Lul. 'Wag ka nga magulo!" Sabi ko sa kanya. Nagpepaint kasi ako ngayon sa room namin.

"Hahahahahahaha!" Tsk. Kanina pa ako hindi makapagconcentrate dahil sa mokong 'to.

"KAPAG HINDI KA PA TUMIGIL, IBABATO KITA KAY LAURA!" Sigaw ko sa kanya. Sumeryoso naman siya at tinikom ang bibig.

"Edi ibato mo. Sasaluhin naman niya ako." Sabi niya.

Nang aasar kang kupal ka ha.

"Nandyan naman si Gab." Sabi ko naman sa kanya.

Bumaling ako sa kanya at tiim bagang na ang panga! Hahahahahahahaha!

"Pffft. Ano ka ngayon? Hahahahaha!" Sabi ko saka siya tinawanan lalo.

"Walang nakakatawa okay?" Mataray niyang sabi sabay hawak sa ulo niya.

"Masakit?" Nahinto ako bigla.

"Sa gutom 'to! Dali...an kasi mo!" Pagmamaktol niya.

Tinatawanan ko lang siya na nakatingin sa kawalan.

"Hahaha bulol! Sorry na beybe. Hahahahahahaha!"

Nakakagaan ng loob na bumabalik na kami ulit sa dati. Tinupad ni Kiel ang sinabi niya sa akin noon na iaahon niya ako mula kay Gab. Tinulungan ko naman siya roon dahil hindi na rin nagparamdam si Gab sa akin nang mga nakaraang linggo. Balita ko nga ay bumalik siya ng Singapore noong first week ng March ang banda naman niya ay naiwan dito. Babalik pa naman daw ang vocalist nila.

Kaya okay na sa amin ni Kiel na pag usapan siya pati si Laura.

Speaking of Laura, hinayaan na lang niya kami ni Kiel dahil nagkausap na rin naman sila noon sa Coffee Shop. Marami pa ring umaaligid sa kanya sa school dahil napakaganda niyang talaga. Bali balita rin na magkasama raw sila ni Gab last February sa isang restau.

Wala na samin 'yon dahil wala na talaga sa amin 'yon. Hahahahahahaha. Ewan ko ba, nagising na lang ako bigla na parang walang nangyari.

Time heals all the wounds nga talaga.

Napagtanto ko lahat 'yan sa surprise ni Kiel noong anniversary namin. Napagtanto ko na... siya lang talaga.

"Oh ano? Hindi ka pa tapos? Gutom na a...ko!" Angal niya.

"Hahaha. Heto na matatapos na po." Pinirmahan ko na saka binitbit ko na.

"Tss. Tara para mapasa mo na 'yan! Ang tamad tamad mo kasi!" Reklamo niya pa.

"Hahahaha tara bitbitin mo na nga 'to!"

At tinahak na namin ang corridor papuntang faculty para ipasa na ang last project namin sa isang subject.

Nakarating kami roon at pinasa ko na sa istriktong prof namin ang artwork ko saka na kami umuwi.

"WOOOOOH BAKASYON NA! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Sigaw ko habang naglalakad kami pauwi.

"Ay hindi hindi. Pasukan pa lang. Tss." Sabat naman ng kumag kong boypren.

Nakahawak pa rin siya sa ulo niya. Dinedma ko na lang dahil pauwi na rin kami.

"Sige lang Kiel Vin. Kapag ako nangbara sa iyo, iiyak ka ng dugo." Pambabanta ko sa kanya.

"Edi...." sagot niya. Natawa naman ako dahil naalala ko ang dati kaya alam ko na sasabihin niya.

"Garcia. HAHAHAHAHAHAHAHA!"

Napatigil si Kiel tumingin naman ako sa kanya. Napangiwi siya.

"Hindi." Seryoso niyang sabi.

Music. Art. LoveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora