G&L

9 4 0
                                    

"Let's go." Sabi ulit ni Gab at dinala niya ako sa room namin.

"What happened?" Agad na lumapit sila Jhay sa amin.

Walang sumagot at umiyak na naman ako.

"Let's go home." Si Gab.

"Okay."

Kaya naman agad agad kinuha nila Alex, Kris at Lovely ang gamit namin at kinausap naman ni Jhay at Lawrence ang organizers.

Sa sasakyan...

"S-sorry." Sabay singhot ko pa.

Walang umimik.

"S-sorr---"

"Fuckin' stop!" Gulat ako sa sigaw ni Gab.

"N-nagulo ko l-laban niyo." Sabi ko. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang ingay ng iyak ko.

Maya maya bigla siyang nagbreak.

"FVCK MAN! SHT!" Si Alex sa front seat.

"Shut up." Saka siya bumaling sa akin. Inangat niya ang mukha ko. "Stop crying. Please?" Lumambot ang mukha niya.

Unti unti ako tumango habang sumihinghot.

"Eew." Sabi niya saka tumawa. Pinalo ko siya.

"Cass, huwag mong isipin iyon. Alam mo ba? Panalo tayo don." Si Alex, nakangiting nakatingin sa akin.

"T-talaga?"

"Oo. So stop crying. Kita mo? Loko loko lang kanta natin, nanalo pa tayo. Hahaha."

Ngumiti ako at niyakap ako ni Lovely.

"It's okay naman pala eh. Tahan na baby girl." Natawa kami parehas.

------

"Nasaan na sila Law?" Tanong ni Lovely nang makauwi kami rito kina Alex. Magdidinner daw muna kami.

"He texted, wala palang pera. Tss puntahan ko muna." Si Gab, dire diretsong lumabas.

Nang makaalis na siya ay nagsalita ulit si Lovely.

"Nagbabanda rin pala si Laura. Wala sa mukha."

"Impluwensya ni Gab." Sagot ni Alex habang nagtatanggal ng sapatos.

"Paano?" Ako naman.

"Hilig ni Gab maggitara, kanta si Laura. Siya ang orig vocalist namin noon sa UP." Tumungo siya sa kusina at bumalik sa amin na may dalang tubig at iniabot niya sa amin iyon.

"Thanks." Sabi ko.

"Before, they're so madly deeply inlove with the their music. Hanggang sa magkadevelopan na." Naupo siya sa harap namin, nakatingin lang kami ni Lovely.

"Tapos?"

"Ayon. Laman lagi sila ng balita sa amin noon. They are the image of modern fairy tale sabi nila."

Napalunok ako.

"Almost perfect sila. May fans club pa nga para sa dalawang iyon. Haha. I remember how they bash a fan na nagbigay ng sulat kay Gab. Haha."

"T-then?"

"Ayon, pilit man sila magtago o maging pribadong couple kaso huli na para maging ganoon. Masyado silang sikat."

Nagkatinginan kami ni Lovely.

"Hanggang sa isang gabi ng battle, bago kami magperform, nahuli ni Gab sa CR si Laura..." napatingin siya sa amin, kinilabutan ako sa mga mata ni Alex.

"..with a jerk. Iyong vocalist din ng kalabang banda namin. Nagdilim ang paningin ni Gab noon. Kapag hindi namin siya inawat, baka mapatay niya iyong tarantadong iyon."

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now