Us

33 5 3
                                    

"Ano ba lalake! Masyadong cheesy ang HHWW!" sigaw ko kay Kiel habang naglalakad na kami papuntang school.

"Cheesy? Swerte mo nga dahil ang gwapo ng humahawak ng pangit mong kamay." At sinubukan niya ulit abutin ang kamay ko.

"Dami mong alam! Kapal ng mukha neto!" Sinuko ko na ang kaliwang kamay ko na kanina ko pa iniiwas sa kanya.

"Oh diba? Pakipot pa. Kinikilig ka lang niyan."

Inirapan ko lang siya.

2nd year college kami. Fine arts pareho.

Ewan ko ba bakit yun kinuha ko eh wala naman akong alam sa art eh hilig ko lang mag drawing. Siguro consider na art 'yon? Hehe.

Ay may alam pa ako sa art.

Art-e. Hehehehe

Okay waley.

"Hoy! Hinawakan ko lang kamay mo, natulala ka na naman. Tsk tsk. Pogi ko talaga."

Binatukan ko siya.

"Akin na nga mukha mo, tabasin natin ng konti. Masyado nang makapal eh."
Sabay hawak ko sa mukha niya.

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit ikaw nagustuhan ko. Ang pangit mo kasi."

Binatukan ko ulit tsaka ko siya iniwan.

"Hoy! I love you na. Ahahaha masyado kang seryoso."

Natatawa niya pang sabi nang hinahabol ako.

"Tse!"

*tsup*

Wow, aga aga, 1 point agad sa akin ang mokong.

"Wag kana magalit. Tara na. I love you ulit." Sabay hawak ulit sa kamay ko.

Ano kaya ako kung sakaling dumating ang panahong magsasawa, mapapagod at iiwan mo ako?

Naiisip ko na lang habang tumititig sa kanya hawak hawak ang kamay ko.

Swerte ko.

*flashback 1.54673820 years ago*

"Cassidy! May nagpapabigay neto."

Ginambala ako ng classmate ko nung 4th year highschool kami.

"Ano yan?" Napatigil ako sa pagdodrawing.

"Sulat malamang! Tss. Eto na oh." Sabay bato niya nung sulat sa table ko.

Bastos.

Hi cassidy!

Ah, ano..hehehe pwede bang pumunta ka ngayon sa rooftop?

Admirer na pogi.

Feeling ko, humangin sa pwesto ko. Lakas ng powers nito ah.

At dahil breaktime, wala naman mawawala kung pagbibigyan ko 'to.

Nang nasa harapan ko na ang pintuan ng rooftop eh kusa 'tong bumukas.

Wow hi-tech.

"CASSIDY LORENZO, CAN YOU BE MY PROM DATE?

PS: pati pwede na rin bang manligaw?"

Isang malaking placard ang bumungad sa mukha ko. Kumunot noo ko. Eh sa nakakabigla naman 'to masyado.

Ganda ng pagkakagawa. Kahit bawat letra ng pangalan ko, madetalyeng sinulat.

"Woah pre! Kapalan mo pa! Ahahaha" Tawanan nung mga nasa gilid.

Nang ibinalik ko na ang paningin ko sa harapan...

"Hi? Hehehe Kiel nga pala."

Anak bakang mataba!

Parang mang-aano 'to ah kaso...

*u*

..natulala ko kasi may isang mala anghel ang naglalahad ng kamay niya sa akin.

Pero syempre hindi ko pinahalata.

Ito yata 'yong nababalitaan kong artist hearthrob  ng school namin.

Ah... ano pala name non? Hmm

Kiel Vin yata?

Oo siya nga...yata?

Nagpakilala na nga hindi ba?

Jusko, Cass.

"Eh?" Nasabi ko nang nang hinablot na kamay ko agad agad.

"Silence means ye---ARAY!!!"

Binatukan ko siya.

"Aba, matuto kang maghintay ng sagot. Di porket gwapo ka, o-oo ako agad!"

Oo, gwapo siya kahit papaano. Haha! Laman kasi 'to ng balita sa school.

At alam ko na kung bakit.

Napakamot na lang siya ng batok.

"Ahahaha! Sige lang pre! Ahahaha" tawanan ulit sa gilid nang mga nasa limang lalaki yata. Mga alipores niya siguro.

Sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Sige sige. Sorry. Hintayin ko na lang sagot mo at tatanggapin ko kung ano man yon. Hindi ako masasaktan, promise" taas pa ng kanang kamay niya. Pinangsingkitan ko lang siya ng mata saka nag-crossed arms pa ang lola niyo.

"Take your time. I'll wait for your answer." Sabay niyang ngiti.

Jusko. Bakit may mga ganitong nilalang sa lupa?

Tinalikuran ko na siya.

"Ah.. teka!"

Huminto ako sa harap ng pintuan.

"Oo na. Arte mo." Napangiti ako kahit alam ko hindi naman niya nakita.

*end*

"Ano? Gwapo ng syota mo no? Ahahahaha!" Bumalik ako sa ulirat sa lakas ng tawa ng mokong.

Napatitig pala ako sa kanya.

"Oo na oo na, alam ko patay na patay ka sakin. Laway mo oh." tinaas pa baba ko na parang nakakanganga ako.

"Tara, tabasin na natin mukha mo!" Tinakbuhan niya ako at hinabol ko naman.

"Ahahaha! Sige lang my loves! Takbo!" Tawa tawa pa siya.

Oo, tatakbo ako kahit nasan ka. Hahabulin kita kahit san kapa sumuot. Basta pag nahuli kita, hindi ka na makakawala sa kamay ko-------

"A-aray!"

Natigil ako sa pagmumuni ko dahil isang babae ang nabundol niya nang hindi sinasadya.

"Ay sorry, Miss!" Sabay lahad ng kamay ni Kiel.

Tinanggap naman niya.

...isa pa sa ikinababahala ko eh iyong makain ako ng ka-praningan ko dahil sa bawat taong makikilala mo.

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now