Battle.

6 4 0
                                    

Bawat araw na dumadaan, artwork at practice ang pinagkakaabalahan ko. Sa school, masayang masaya si Kiel na kasama si Laura at parang ikakamatay ng puso ko iyon. Palihim akong naiiyak kapag natatanaw ko sila. Bali-balita pa na nagbreak na kami ng tuluyan ni Kiel at sapul na sapul na naman sa kalamnan ko iyon. Hindi kasi nila alam ang totoong condition ni Kiel.

Pero kapag practice namin, naalis panandalian ang sakit dahil nakatuon ako sa banda ni Gab.

Speaking of Gab, ewan ko ba. Habang tumatagal, sumusungit siya na nakasanayan na namin ni Lovely. Masayang kasama ang Sweet Potatoes. Maiingay sila.

Sa kabilang banda, binabalitaan pa rin ako ni Tita Angela ukol kay Kiel. Improving na raw liban sa amnesia case niya.

Masakit pa rin kapag nababanggit sa akin iyon.

Kailangan daw na ipaalala lagi sa pasyente ang mga bagay na hindi niya maalala. Paano iyon? Lalapit palang ako sa kanya, halos mahimatay siya sa sakit ng ulo tulad nung binisita ko siya sa bahay nila. Ayaw ko siyang nakikita sa ganoong kalagayan.

Kaya pilit na lang ako lumayo.

Pero keep in touch ako sa kanya sa pamamagitan ni Tita Angela. Siya na nagpapakita kay Kiel ng pictures namin. Hindi naman daw sumasakit ulo ni Kiel.

So ako lang talaga. Sakit.

Chrismas break na pero sandamakmak ang iniwang gawain ng school sa amin kaya kahit papaano, naililibang ko sarili ko. Pero traydor talaga mga mata ko.

"Ayan na naman. Tigilan mo sabi eh. Ito oh." Si Lovely. Abot ng juice sa akin. Napahinto tuloy ako sa pag-isketch.

"Maging malakas ka Cass. Maalala ka rin niya." Pang aalo niya sa likod ko.

"Masakit. Sobrang sakit kasi. Pilit kong hindi inaalala pero inaalala ng puso ko." Sabi ko.

"Hay. Let just hope sa pag aalala niya. Tapusin mo na iyan. Nagtext si Jhay na papunta na raw si Gab dito."

Napatigil ako sa paghikbi.

"Oh, natameme ka? Akala naman nito ngayon lang pupunta si Gab dito. Tss."

Oo, paminsan minsan kasi sinusundo niya ako rito sa ami saka ko naman itetext si Lovely na pumunta dito para hindi awkward sa amin ni Gab tulad ngayon.

Napabuntong hininga ako saka itinuloy ang sketch ko.

------

"Jan na!" Sigaw ni Lovely. Kanina pa kasi may katok ng katok. Si Gab na yata. Patapos na rin ako.

"Tuloy" rinig kong sabi ni Lovely kaya napabaling ako sa gawi nila.

Si Gab nga.

Ayon na naman ang gray V-shirt niya with khaki shorts. Malapit na ako masilaw sa kaputian ng nilalang na ito.

"Mag ayos lang ako." Sabi ko saka nilagpasan sila.

------

"Tara." Yaya ko na sa kanila.

Tumayo naman silang dalawa.

Sa sasakyan...

"What time mamaya?" Tanong ko.

"We must be there at 8pm. 8:30 ang start." Simple niyang sagot habang parang tamad na tamad na pagmamaneho. Isang kamay lang kasi gamit niya.

Nakarating kami ng tahimik kina Alex. Pagdating doon, mukhang wala silang balak mag practice. Nanunuod lang kasi sila sa salas.

"Tara practice." Sabi ko pagpasok namin.

"Pahinga day ngayon." Si Jhay.

"Ha? Eh bakit sinundo mo pa ako?" Baling ko kay Gab na nakasandal lang sa pintuan, nakangisi.

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now