Gaze

28 4 0
                                    

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

Kinapa-kapa ko ang alarm clock sa taas ng side table ko.

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiasdffghjkl-----

Halos hindi na makilala ang alarm clock ko sa lakas nang pagsalubong nito sa pader. Nang madampot ko, may isang bagay akong narealize...

Kawawa naman alarm ko. Grabe, siya na nalang nga ang nagtyatyagang gisingin ang tulog-mantikang tulad ko. Huhuhu.. hirap na makahanap ng tulad ni-----

Nak ng, dumadrama na utak ko.

Dali dali akong bumangon at dumeretso sa banyo para sa morning rituals ko.

----------

Linggo pala ngayon.

Ngayon ko lang napagtanto. Nakakatulong talaga ang pagtulala ko paminsan minsan para mapagtanto ang mga bagay bagay.

Tsss. Nakakabato.

Kaya alas dyis na na napagdesisyonan kong magsketch sa labas kaya ayon, pumunta ako sa park ng village namin. Dala dala ang isang 9x12 na sketch pad at ang pencil case ko saka tumungo sa isang bench sa park sa ilalim ng punong mangga.

Nakaready na ang lahat liban sa isa...

Reference.

Nilibot ako ang mga mata ko sa kabuuan ng park para makapaghanap.

Plants? Syadong common.

View? Tss.

Mukha ko? Ayun maganda. Chos. (Pero totoo naman)

Kiel?

Uh..

Lagi na lang siya! Nakakasawa na!

De joke.

Ilang beses ko na ginawang reference si Kiel kaya I want something new naman. Hindi naman sa ano ako ke Kiel kaso...

...basta. ahahaha!

Libot pa ng mata.

Ge, libot lang.

Hmm.

O_o

Isang mata ang nahagip ng magaganda kong mata.

1

2

3

4

5

O_o

Sa wakas ay iniwas na niya ang paningin niya.

Nang makabalik ako sa ulirat...

Luh?

Kinilabutan tuloy ako. OA ba?

Eh kasi naman, ang mga matang makapangusap, maraming sinasabi, malamlam, at parang...

...puno ng kalungkutan?

Hinanap ko ulit ang nag-mamay ari ng mga matang iyon.

May nakasabit na gitara sa likod, naglalakad na siya palayo sa park na iyon.

Hm?

Hindi ko na namamalayan, unti unti ko na pala siyang na-isketch.

Isang pares ng matang taimtim na nakatitig sa akin tapos madilim na background.

Maya maya ay unti unti ko na rin pala nabubuo ang mukha niya.

Perfect.
------

Inabot na pala ako ng tanghalian sa park. Sa sobrang pagkabusy ko, nakalimutan ko palang tumatakbo ang oras.

Nag stretch stretch ako nang tumunog phone ko.

"Hello?" Sagot ko without looking kung sino kausap ko.

"Hoy! Maka hello ka kala mo may ibang tatawag sayo! nakakatampo ka naman eh! Wala na! Hindi mo nako mah-----"

"Hi beybi Kiel. Ajujujuju jinojoke lang kita. Ajujujuju bakit ngayon ka lang tumawag?"
Pagtitigil ko sa OA niyang pagdadrama. Still, nakatingin ako sa work ko.

"Hmf! Wala eh, ngayon lang ako nagising. May tinapos pa kasi ako kagabi." Parang pagod na pagod niyang sabi. Yieeeee bedroom voice. Pogi pogi! *u*

"Ajujuju kumain kana diyan para malakas ng ulit beybi ko." Panlalambing ko naman.

"Ays. Ikaw magpakain sa akiiiiiin." Parang nag uunat yata siya.

"Naglolokohan nalang pala yata tayo rito e." Pagbabanta ko sa kanya.

"Ahahaha! Ajujuju hindi na. Ano gawa mo? Nagtanghalian ka na?"

"Nasa park ako ngayon. Boring sa bahay kaya dito muna studio ko." Nagtitilt pa ako ng ulo sa pagtitingin sa sketch ko.

"Laaaaaah! Baka ma-ano ka diyan ha! Loko san ka banda? Within 10 minutes diyan na ak-----"

"Hoy Mr. OA! Tanghali pa lang oh. Umiidlip pa mga tao dito." Pagpuputol ko sa kanya habang tinititigan pa rin ang mga mata niya.

"Oo na oo na. Basta umayos ka diyan. Kapag may umano sa'yo diyan, nakooooo."

"Wala yan. Sige may tatapusin pa ako. Kumain ka na diyan pati maligo ka na. Hanggang dito, naamoy kita." Ngiti kong sabi.

"Hiyang hiya ako sa bango mo! Sige, labyu! Uwi kana, hindi nako galit. Hahaha ajujuju. Baka may umagaw pa sayo diyan."

"Haha. Ge ge. Labyu too beybe."

Pinatay ko na para matapos na siyempre. Haha.

Nang malapag ko na ang phone ko sa tabi ko, bumaling ako sa sketch ko at medyo nilagyan pa ng details tsaka ko napagdesisyonang umuwi.

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now