Battle .2

13 4 0
                                    

Hindi ako mapakali sa byahe. Madaldal si Lovely at Alex dito sa trailblazer ni Gab. Ako naman hindi mapakali.

Sa battle kasi ito. Oo sa battle.

Pagdating namin sa St. Nicholas University, marami nang tao. Sabi kasi nila Jhay, year-end celebration daw ito pero para mas exciting, inopen nila sa lahat ng kalapit na universities at colleges.

Huminto kami sa crowded parking lot pero may space pa naman.

"WOOOOOH RAKENROL! AHAHA!" Si Lovely. Siya na excited.

-_-

"Hey tara." Sigaw nila Kris sa amin. At sumunod naman kami.

O_o

Kung maraming tao sa labas, doblehin dito sa loob. Sht. Nakaka-kaba tuloy.

>///<

Batian ang naganap sa bawat pagkalampas namin sa mga tao roon. Kilalang kilala talaga itong mga kamoteng 'to.

"Hey Gab! It's been a while." Sabi nung isang babaeng petite na mukhang mayaman.

"Yea." Tipid na sagot naman niya.

"Still the Gab I've known. Tamang tama. Mukhang mapapalaban kayo ngayon gabi. Hey Jhay, Lawrence, Alex! Kris!"

"Hey Chloe!" Si Jhay lang bumati at nginitian lang ni Alex at Lawrence 'yung Chloe. Tinanguan naman ni Kris. Napatindig ako ng tayo nang bumaling sa amin ni Lovely ang mabibilog niyang mga mata.

"Pakilala niyo naman ako sa kasama niyo." Ngiti niya.

"Uh, this is Cass. Injured ako kaya siya muna sasalo. And her friend, Lovely." Si Alex.

"H-hi." Lahad ko ng kamay ko. Kinuha naman niya.

"Hello." Si Lovely naman.

Tinanggap naman niya ang mga kamay namin sabay ngiti.

"Chloe. Nice meeting you. Sige kitakits mamaya Gab. Good luck." Kindat niya sa lahat sa amin.

O//o

"Tss. Tara." Sabi ni Gab.

------

"Fifth tayo magpeperform." Bungad sa amin ni Jhay pagkabalik niya dito sa designated room namin. Siya na kasi nakipagbunutan.

"Ilan ba kasali?" Si Alex.

"Pito lang. Namimili pala sila ng isasali." Umupo si Jhay sa tabi ko. "You okay? You look pale."

"Uh. Okay lang. Dami kasi tao kaya medyo pressured. Hehehehe."

"Kami bahala sa iyo." Sabi niya saka tinap ang ulo ko.

Pero umubo agad si Gab. Iyong sadyang ubo.

Problema nito?

Nakahiga lang siya sa cleopatra. Cool na cool tignan.

"Nga pala, alam niyo na?" Si Jhay.

"Na?" Si Alex. Napatingin naman kami sabay sabay kay Jhay, naghihintay ng sasabihin niya.

"Kasali pala Half Note."

Ewan ko kung bakit nang marinig nila Alex iyon ay bigla napunta ang tingin nila kay Gab.

Anong meron?

-------

09:33

Napabuntong hininga ako.

Kinakabahan na ako lalo na sa lakas ng tili ng mga nasa labas. Mga tatlo na ata ang nakapagperform. Hindi tuloy ako makapagfocus sa pangkakabisa ko sa kantang tutugtugin namin.

Music. Art. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon