NOPI 4: Charles Anthony Begley

Start from the beginning
                                    


"Sephine! Yes, makakapagbonding tayo! Haha" sabay palakpak ni Ed kaya naman napa frown ako


"That's right. That's right" dagdag naman ng Dean


"B.bu--"


"No more buts. Is that clear?" tanong ng Dean


Ugh. Ang tigas ng ulo ng mama ni Charles.


"Yes Ma'am" sagot namin


"Okay, bahala na kayo kung magpra-practice pa ba kayo oh hindi na. Mukhang professionals na kayo eh. Tsupi na. Shoo!" sabi ng Dean kaya lumabas na kami


"I'm dead" sabi ko sabay exhale


May humawak naman ng kamay ko atsaka binitawan agad


"No, you're not. You're still alive" sabi nung Rico sabay ngiti sa akin


"I didn't mean literally"


"Alam mo bang kumanta o kaya sumayaw man lang?" tanong nung Rod


"Anung gusto mo? Kantahan kita dito sa daanan?" tanong ko


"Hindi, tara sa music room!" sabi ni Ed sabay hila sa akin


Buti nalang at konti lang ang mga estudyanteng nadadaanan namin. *SIGH.


Mga bigatin pa naman 'to sila sa school.


Hays. Hinayaan ko nalang na hilain ako ni Ed hanggang sa nakarating kami sa music room.

"Wow! Ang daming instruments!" sigaw ko at agad na lumapit dun sa violin

Pero syempre, mas marami parin sa Elite School. Haha


Ed's POV


"Pwede bang i-try?" tanong niya


"Oo naman" sagot ko


Nagsimula naman siyang tumugtog. 'Yung safe and sound ni Taylor Swift tapos kinuha niya 'yung gitara


"Ito 'yung bagong model! Hihi" sabi ni Seph


Haha! Ang cute niya, ang kulit kasi eh. Parang hindi nga nerd eh.


Parang 'yung sa mga librong kini-kwento ni Stephanie sa akin na Campus Nerd to Campus Princess.


Mas gaganda kaya 'tong si Sephine kung maayusan?


"Ano na? Magiging childish ka na lang ba jan o kakantahan mo na kami para ma-relieve kami na may boses ka nga talaga kahit isa kang hamak na nerd?" tanong ni Ken

►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Where stories live. Discover now