"Hindi makakapunta si dad...I could represent for him." Tumikhim siya.

Umupo ako sa couch at sinandal ang aking ulo sa headrest. Tinakip ko sa mga mata ko ang aking braso.

"Yes...pag-iisapan pa. I still have to ask my father if he's in favor of the decision. The contract has been signed, may breach kapag aatras kami bigla..."

Bigla akong napatanggal sa braso ko sa 'king mukha at kunot noo na binalingan si Lauris. What breach? Anong aatras? Our company doesn't just pull out regardless of the reason. It's unprofessional!

"I'll call as soon as we finalize the decision."

Tinapos niya ang tawag. Sinundan ko siya ng tingin na humahakbang papunta sa harap ko. His other hand is on his waist.

"We might pull out from RV Lines and do the Arevalo and Son's project instead. Another resort branch. It's as big as the RV's project, too."

As if that could sooth the situation. This is risking the company's dignity here!

Kumitid ang mga mata ko. "You decided on it alone?"

Nanatili siyang seryoso. "I don't think dad could handle this for a while after everything that happened."

"We don't risk the business because of personal reasons, Lauris. It's unprofessional," ani ko.

May pakiramdam akong papayag si Sir Herman na bibitaw kami sa oras na malaman niya ang ginawa ng kanyang anak. But even considering that, I still won't allow for DC to pull out from the project. Everything has been settled at sisimulan na ang construction a few days from now.

Humalukipkip si Lauris, mapanuri ang mga mata. "So you suggest na hindi tayo magpu-pull out sa project?"

"You know my word for that."

Ngumuso siya't nagkibit balikat. "Your vote counted." Sumimsim siya sa baso ng tubig. His eyes remained cut on me. "Punta akong DC."

Tumayo ako. "Sama ako."

I don't think I can live here alone for a long time. Babalutin lang ako ng alaala ng mga nangyari. Mababaliw ako rito! I have to get busy.

"Punta akong ospital after. I need dad's vote for this, too. Sasama ka rin ba?" seryoso ang pagkakatanong niya kaya hindi ko masasabing nanunuya siya.

Hindi ako sumagot ni-tango o iling. Sa isip ko lang ngayon ay ayaw kong mag-isa rito o sa kahit saan. I am suddenly in need of a company everywhere I go.

Ewan ko, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Siguro takot ako na sa oras na maiwan akong mag-isa, bigla nalang akong mag-breakdown. And I don't want to witness myself succumb to another sign of weakness. I've had enough of that.

Hindi naman naso-solusyunan ang problema sa pag-iyak. It could lessen the heaviness but the problem remains. Pag-gising mo kinabukasan ay paaalalahanan ka pa rin ng lahat ng mga nangyari ngayon. Every waking day would remind you of the reality of yesterday.

"I'll just change," tanging tugon ko saka pumasok na sa kwarto.

Nilakasan ko ang volume ng stereo sa kotse na nagpapatugtog ng rock song. The vocalist's screaming voice might drown out my thoughts. Alam kong pinagbibigyan lang ako ni Lauris kahit naririndi na siya sa pinapakinggan kong kanta.

"You know that's violent singing, right? Balak mo bang gawan ng part two ang ginawa mo kanina?" ngumiwi siya't napapikit nang matinding sumigaw ang singer.

Wala akong imik at bumaling lang sa bintana, pinagmamasdan ang buhos ng ulan. Hindi pa rin ito tumila hanggang makarating kami sa DC Builders building.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Where stories live. Discover now