Ang nangingiwing mukha ni Shery ay naging seryoso dahil sa mabigat na pinawalan ni Brent.

To her surprise, mula sa likod isinuot ni Brent ang kwintas sa kanya saka ngumiti. "Wow bagay ah teka ano 'to?"

Tinuro ni Brent ang bilog na pilat sa kanyang likuran. Tapat iyon ng kanyang puso kung kaya't napa-abante siya.

Sa apat na taon kong pamamalagi roon isa iyan sa proweba.

"Likot mo kasi ayan nagkasugat ka pa sa likod," pangaral ni Brent na ikinangiti niya.

Sa noo'y pagsilip niya sa pendant siyang tunog ng cellphone ni Brent. Saglit itong nagpaalam saka tumalikod kaya si Shery na minamasdan maigi ang kwintas ay nagitla noong kuminang ito.

Tumingin siya sa harapang bahagi saka nagmasid. Weird wala namang ilaw sa gawing 'yon. Isa pa puro halaman ang naroon?

"Gusto ko pa sanang mag-usap tayo ang kaso may pinapagawa si Daddy. Ihahatid na kita!"

"Hindi na. Ah ang ibig kong sabihin dala ko ang sasakyan ko isa pa may naiwan akong gamit babalikan ko pa 'yon." Aalis na sana siya nang higitin ni Brent ang kaliwang kamay niya. "I insist. Please!"

Walang nagawa si Shery kundi ang magpatianod. Tahimik lamang siya sa paglakad. Pilit niyang inaalala ang kwintas. Hindi iyon iilaw ng walang dahilan. Posibleng may ibang tao kaming kasama.

Napahinto si Brent noong hilain ni Shery ang kanyang kamay.

Nagtatanong ang mga mata ni Brent samantalang ang kay Shery ay humihingi nang paumanhin.

"Kailangan ko talagang balikan 'yung gamit ko. Mahalaga 'yon sa akin."

Kitang-kita ni Brent ang sinseridad sa mata ni Shery kung kaya't muli siyang humawak sa kamay ni Shery, "Sige kukunin natin 'yon."

"Hindi. Ako nalang. Ano ka ba hindi ba't may pinapagawa pa sa'yo si Tito. Go ahead!"

Humigpit ang hawak ni Brent sa kamay ni Shery kaya si Evo na kanina pa nanonood sa kanila ay umiwas ng tingin.

"Sige na."

Hinila ni Brent si Shery saka hinalikan sa noo, "Tawagan mo ako pag nakauwi ka na."

"Tatawag ako!"





---





HININTAY ni Shery mawala sa kanyang paningin si Brent saka tumalikod. Ilang minuto siyang nagmasid saka humakbang ng lima.

"Ikaw d'yan labas!" ma-otoridad niyang sigaw na ikinagitla ni Evo.

Ayaw niyang magkita sila nito sa ganitong sitwasyon. Gusto niyang umalis na pero ang kanyang mga paa ay ayaw sumunod. Ipinikit niya ang mata saka bumuntong hininga. Buo na ang pasya niya magpapakita na siya. Hahakbang na sana siya nang biglang may isa pang imahe ang lumantad sa harap ni Shery.

Tim?

Nakangiti ito na para bang pagkakataon niya na upang angkinin ang babae sa harapan niya. Samantalang ang kalmadong si Shery ay nag-iba ang awra.

Kinakabahan si Evo para kay Shery. Hindi kasi ang tipo nito ang may alam sa self defense. Napa-abante siya noong maglabas ng patalim si Tim.

Kaklase niya ito sa ilang subject. Maraming nagagalit na professor dito dahil palaging ginagawang kalokohan ang project na pinapasa kahit ang thesis. Mahilig ito sa kalokohan pero anong kinalaman ni Shery at bakit ito ang napagdiskitahan nito? Hindi kaya may nag-utos sa kanyang gawin ito? Pero sino?

PASSWORD  (Completed) (Raw)Where stories live. Discover now