PASSWORD : The secret

913 50 31
                                    

(Hanbin B.I as Evo Craig.
Credits the picture to the real owner, arh wala akong mahanap na mas pogi siya at hot ito lang ang pumasa sa akin! Enjo my late update haha hanggang dito extended ang kabaliwan ko. Ang pangit kasi ng schedule ko, kaya ako'y inyong pagpasensiyahan sa huling pag-update)


HUMIGPIT ang pagkakahawak sa baso ni Yvon sa kanyang nakita.

Tumayo na kasi si Evo, senyales na sisimulan na nito ang misyon. Gusto niya itong pigilan sa kanyang gagawin pero mabilis ang mga pangyayari namataan nalang niya na nasa pool na si Katie samantalang ang kambal nitong si Shery ay palapit sa isang grupo ng mga kalalakihan.

Naningkit ang mga mata niya noong lumapit si Iniego kay Shery, lalo noong inabot ni Iniego ang mga kamay nito upang halikan. Agad rumehistro sa kanyang mukha ang pagkaumay. May landi palang tinatago ang babaeng ito.

Matapos nang ilang pag-uusap, nagpatuloy sa paglakad si Shery siyang sunod naman ni Iniego. Doon sila gumawi sa kaliwang bahagi padulo kung saan hirap nang makita ni Yvon ang mga pwede nitong gawin. Tila kidlat noong sinulyapan niya si Katie na ngayon ay niyayakap ang sarili ng makapal na tuwalya. Mamaya na kita susubaybayan si Shery muna.

Maingat at tahimik lamang na nakasunod si Yvon kila Shery, nakakubli rin siya sa isang halamang hindi kalakihan. Panaka-naka ay tinitignan niya kung huminto na ang dalawa dahil magkabilang panig ang kanyang binabantayan sa pinanggalingan at sa patutunguhan ng dalawa. Sa noo'y muli niyang pagsilip diretso lamang na lumakad ang dalawa papasok sa isang bukas na pinto.

Bumilang siya ng limang segundo saka tumakbo palapit sa pinto. Huminga siya ng malalim saka sinilip ang dalawa, huminto ang mga ito sa tapat ng isang sasakyan at parehas na nakatalikod sa kanyang posisyon. Namilog ang mata niya noong hawakan ni Iniego ang bewang ni Shery at mas lalo pa siyang nagulat noong halikan ni Iniego ang batok nito. Agad siyang nagtago at tinakpan ang bibig. May relasyon sila? Paano na si Katie? Hindi ako makapaniwalang malandi ang kambal, nag-aahasan at nag-aagawan. Una si Brent ngayon naman ay si Iniego? Sino ang kasunod?

Agad niyang inilabas mula sa bulsa ang cellphone at tinawagan ang ina. Wala pang limang segundo ay sinagot na nito ang tawag, "Hello Yvon?"

"Ma maniwala ka man o hindi ang inakala nating matino ay hindi. Si Shery ay malanding katulad ng kambal niya. Paano ba sila pinagkakatiwalaan ni Lolo? Ako dapat ang mag may-ari ng kayamanan ni Lolo at hindi ang mga iyan. Malamang sa hindi gagastusin lang nila ang pera ni Lolo sa walang kapararakan o mas matindi ay gastusin lamang nila ang pera para sa mga lalaki nila. Nakakadiri!" mahabang lintanya nito na ikinaseryoso ng ina sa kabilang linya.

"Kahit anong mangyari subaybayan ninyo ang ginagawa nila. Nakakasiguro akong isa sa kanila ang tagapagmana. Huwag masyadong pagtuunan ng pansin si Shery ang mahalaga si Katie, alam kong siya ang paborito ni Papa. Anong balita kay Evo?" Hindi na sinilip ni Yvon kung anong ginawa ng dalawa dahil agad niyang nilisan ang pwesto saka bumalik sa pool side.

"Andito po ako sa dating pwesto at pinapanood ang pagpapanggap ng Katie na iyan sa harap ni Brent!" ang tila nauumay na wika ni Yvon sa ina saka kumuha ng baso mula sa trey na hawak noong waiter na dumaan. Mula sa kanyang pag-inom ng alak bahagya itong napangiti nang tapikin ni Katie ang kamay ni Brent noong magtatangka itong kausapin siya.

"Kakaiba rin itong si Brent, ano kayang mayroon sa bobitang Katie na iyan at pinagtitiisan niya? Ganda lang mayroon ang isang iyan idagdag pang paborito ni Lolo, iyon lang ang mayroon siya the rest itlog na ang bruha. Ay idagdag mo na palang sakitin dahil akalain mong binulungan ko lang inatake na ng asthma, sayang hindi pa namatay!" Natawa naman ang ina na kausap sa kabilang linya saka nagpaalam upang maagang matulog at hihintayin ang magandang balita ni Evo bukas sa paggising.



PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon