PASSWORD : The Test!

520 30 3
                                    


NIYAKAP ni Shery ang sarili upang ibsan ang lamig, nang biglang dilat niya ng maalala ang huling nangyari. Puting pader ang tumambad sa kanya na noong una'y naisip niyang parang ito ang lugar na matagal niya nang hinahanap. Agad siyang napabalikwas, Ang lugar na ito. Hindi. Yvon?


Tatayo sana siya ng bigla siyang nabuwal noong kumirot ang binti. Nangingiwing napatingin siya sa kaliwang bahagi noong makarinig nang tunog ng takong.


"Yvon?"


Nakatingin lamang sa kanya ito. Bakas ang hinahon dito pero ang mga mata naman ay parang walang buhay.


"Alam mo ba kung nasaan tayo ngayon?"


Naguguluhang nilinga niya ang paligid. Pamilyar ang lugar pero ang kasiguraduhang ito nga ba iyon ay hindi niya tiyak. Tinuon niya ang atensyon sa gitnang ilaw, huminga siya ng malalim matapos ay napalunok.


"S-3198 is signing in."


"You are already online S-3198."


Hindi! 


Tumingin siya sa mga mata ni Yvon, pero ganoon pa rin ang ekspresyon nito.


"Paano ka nakapasok dito Yvon? Paano mo nalaman ang lugar na ito?"


Kumurap si Yvon saka tumingin sa itaas gitnang bahagi, "Dahil ako si S-3198, Shery ikaw ay ako!"


Bumilog ang mata ni Shery kasabay nang pagbuka ng kanyang bibig. Naguguluhan na siya. Hindi niya na alam kung ano nang nangyayari, kung panaginip lamang ba ito o hindi.


"Paanong-"


"Hindi ba ang sabi mo hindi pa huli ang lahat sa akin?"


Bagaman nahihirap, pinilit ni Shery ang makatayo habang taban ang binting nananakit.


"Kailangan mong mabuhay sa pagpasok mo sa pintong iyon." Tinuro nito ang tinutukoy sa pamamagitan ng mata. Kaalinsunod tinunton iyon ni Shery saka sinuri. Nakakatiyak akong ibang lugar ito pero paano niya nalaman ito?


"Shery ikaw ang pinili niyang maging password. Ikaw ang magiging tagapagmana."


Muling ibinalik ni Yvon ang paningin kay Shery, lumakad ito palapit sa kanya matapos ay pumantay, "Inaasahan ni lolo na gagawin ko ang bagay na ito. Kaya ginawa niyang dalawa ang pinto."


Nilingon ni Shery ang dalawang pinto na tinutukoy ni Yvon, "Anong naroon sa mga pinto na 'yan?"


"Pagsubok." tulalang sagot ni Yvon na siyang nagpakunot ng noo ni Shery, "Pagsubok?" ulit niya nang bigla niyang maalala ang ilan pang sinabi ng kanyang lolo sa video.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Where stories live. Discover now