PASSWORD : Realization

532 22 16
                                    




"Narito ka lang pala..."



Umangat ang paningin ni Shery kaya nagkatagpo ang kanilang paningin ng binata.



Parang ilog ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya, malusog at wala iyong patid. Kung anong takot ni Shery ang patayin ito siyang salungat naman ng sa binata na galit at seryoso ang pagkakahawak sa hawak na ripple na nakatutok kay Shery.



"Evo!" Iiling-iling ang ulong pilit niyang inaabot ang binata, siyang tapang naman nito para takutin siyang isang kilos pa'y tiyak mamamatay siya.



"Evo ako 'to si Shery," pagkausap niya rito matapos ay kinagat ang ibabang labi dahil maging iyon ay halos manginig ng husto.



Sa puntong ito kumpirmado si Shery na hindi niya kayang patayin ang binata. Kaya pinili niya ang yumuko matapos ay pumikit.



"Sissy alam kong gusto ka ni Evo at alam ko ring gusto ka rin ni Brent. Huwag kang mag-alala buhat nang magising ako, na-realize kong mas mahalaga ka kaysa sa lahat ng bagay. Kaya kung sino man ang piliin mo sa dalawa, susuportahan kita ng buong puso. Mahal na mahal kita Sissy!"



"Alam mo ba kung anong sinabi ni lolo bago ko siya patayin?"



"Kahit gaano kalalim ang galit ko sa mga taong hindi ako kayang unawain o pahalagahan, darating ang araw na may taong uunawain ako at pagkakatiwalaan ko. Ang taong 'yon ay ikaw."



"Sa puntong ito Shery umaasa akong ililigtas mo ako."



Idinilat ni Shery ang mata, parang kidlat sa bilis noong nadampot niya ang samurai. Tumakbo siya palapit kay Evo siyang putok naman nito ng baril. Noong makadikit ng kaunti sa binata agad siyang tumalikod at tinusok ang kanang balikat kaya naman ang balang dapat ay patama roon ay nahati at bumagsak sa sahig.



Ibinaon ni Shery ang pagkakatusok ng samurai sa dibdib kaya maging si Evo na nasa likuran niya ay natamaan sakto sa puso. Agad itong nawala at ang sira-sirang gusali ay agad bumalik sa puting kwarto.



Napaluhod siya habang tulala.



Nagsimulang manginig ang baba niya dahil dobleng sakit ang nangingibabaw sa pandama niya. Iyon ay ang pakiramdam na nagawa niyang patayin si Evo at ang ikalawa ay ang pagsaksak sa sarili.



Nawala ang samurai, kadena sa binti at ang controllable bomb pero nanatili ang sugat sa kaliwang dibdib at nadurog na kaliwang braso niya. Halos mahilo-hilo siya sa dami ng dugong halos nawala sa kanya dahil sa sugat sa dibdib.



Agad siyang nagising sa katotohanan nang marinig ang pangalan, bagaman hindi literal na boses iyon bagkus sa pamamagitan lamang ng insthink niya iyon narinig.

















"Shery!" sigaw niya na halos ikasira ng kanyang lalamunan sa sobrang takot.



Nanginginig si Yvon habang yakap ang sarili, ayaw niyang tignan ang mga tao sa paligid. Dahil lahat ng mga taong iyon ay sumisimbolo sa atensyong inaasam niya noon.



Mula sa kanyang ina na walang ibang inatupag kundi ang paghigantihan ang kanyang lolo. Si Evo na naging malamig ang pakikitungo sa kanya buhat noong matuklasan ang pagpatay niya ng hayop. Ang ama niyang si Evo lang ang buong atensyon, maging ang lolo niyang hindi manlang siya kinilala bilang apo, mas lalong si Shery na noon ay nagparamdam sa kanya ng liwanag ay biglang naging hindi siya kilala at tuluyang kinalimutan.



PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon