PASSWORD : Struggle

732 39 26
                                    

[A/n time check 2:54 in the morning. Hindi ako pinapatulog ng imahinasyon ko kaya't ito nakapag update. Dedicate this chappy to my Idol. At ito nainspired din ako mag-update dahil ngstalk ako sa ig ni b.i my loves. Hihi]

Mabilis siyang kumubli sa isang gilid at sinipat ang bala sa kaninang pwesto.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Nagtatanong din ang kanyang mga mata kung sino ang may gawa niyon? Limitado ang kanyang paghinga natatakot siyang baka hindi lamang iisa ang may gustong pumatay sa kanya masama pa wala siyang sandata. Bigla tuloy niyang naalala ang training dahil sa bawat pagbago ng puting kwarto patungo sa open area ay wala siyang sandata. Physical lamang ang pwede niyang gawin pero paano nga kung marami ang kanyang kalaban.

Agad siyang naghanap sa kanyang suot ng pwedeng gamiting self defense; Belt and her pair of shoe. Kahit kinakabahan sinikap niyang sauluhin ang kabuoan ng SmokeGun.

Nilibot kasi niya ito noong unang dating niya, kung saan nakapwesto ang CCTV, guards, taguan ng mga baril, field, at ilang kwarto mayroon ito.

Naalala niyang sa likurang bahagi ay open field kalahati nito ay gubat at ang kalahati ay ilog at ilang patag. Mula sa kanyang pwesto bubungaran siya ng gubat ayon din sa balang muntik tumama sa kanya marahil ay galing iyon sa kaliwang bahagi.

Nilingon niya ang pinto papasok sa SmokeGun. Malabo na siyang magdaan doon lalo't nasa gitnang bahagi ito. Maaari siyang makita nang bumaril pagnagkataon.

Sa inilagi niya sa pwesto maraming oras ang nakain upang bigyan ng pagkakataon ang gustong pumatay sa kanya upang makalapit kaya naman ang panginginig ng kanyang laman ay halos doble. Inilapat niya ang likod sa sinasandalan at muling nag-isip. Lord, guide me and give me strength. Mabilis siyang napadilat noong maalala na ang kanyang sinasandalan ay jealousy na walang lock. Kung baga mula sa loob itutulak mo lamang ito upang makapasok ang nasa labas. Ang kwarto kasi sa likod ng jealousy na iyon ay lagakan ng mga halaman. Specialize rin ang jealousy na ginamit doon dahil mula sa labas hindi nakikita ang nasa kabilang bahagi nito.

Maingat niyang ini-angat iyon. Sa una ay mahirap dahil makapit ang bakal na siyang kapitan ng jealousy pero buhay niya ang nakasalalay doon kahit masakit sa daliri pilit n'ya iyong ini-angat.

Mula sa loob bagaman madilim pasalamat sa liwanag ng buwan dahil klarado niyang nakikita ang labas. Agad siyang dumikit sa gawing kaliwa noong maaninag ang lalaking tila nakasandal sa jealousy. May hawak itong baril at nakatanaw sa kaninang tinaguan niya. Mabilis niyang sinilip ang paligid. Looks like his alone!

Alistong agad siyang lumapit sa pang-apat na jealousy dahil patungo roon ang lalaking may hawak na baril. Mula roon pinapanood niya ang bawat hakbang nito. Magkahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman. Ito kasi ang unang pagkakataon na totohanang lalaban siya. Maaari siyang mapahamak pero kailangan niyang tatagan.

Sa noo'y pagtapat ng lalaki sa pwesto niya siyang tulak niya ng jealousy ng buong pwersa. Mabilis ang mga pangyayari kahit doble ang kabog ng puso niya alerto at mabilis niyang naitali ang parehas na kamay ng lalaki mula sa likuran nito gamit ng belt. Samantala ang baril na kaninang hawak nito ay ngayo'y hawak niya na.

Nakadagan siya sa lalaki samantala ang lalaki ay nakikipaghalikan sa sahig.

"Sino ka?" ang nanginginig niyang tanong sa lalaking sa palagay niya ay anim na pulgada ang tangkad. Nginudngod niya ito noong hindi sumagot kaya nakarinig ng ilang ungol ang dalaga. "Sino ka?"

Dahil katangkaran ang lalaki malakas nitong nabalya sa mukha si Shery dahilan upang makatayo ito samantalang si Shery ay napasigaw sa sakit dahil tumama ang likod ng ulo nito sa kanyang ilong.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Where stories live. Discover now