PASSWORD : It Happens Again

776 46 11
                                    


"Huwag kang mangialam dito!" Hinila noong lalaki ang braso mula sa kamay ni Shery kaya napa-atras ng kaunti ang dalaga. Gusto ni Shery balyahin ang lalaki kaso ayaw niyang matuklasan ni Clothe man ang kanyang kakayahan.

Ipinako niya ang paningin sa matanda na ngayon ay nanginginig ang katawan. Gusto niya itong tulungan at ilayo sa lalaki pero hindi niya alam kung paano. Baka kasi hindi ito sumama sa kanya ang malala piliin nitong sumama sa lalaking pilit itong sinasaktan.

Tumingala ang matanda dahilan upang magtama ang kanilang paningin, halos durugin ang puso ni Shery sa awa sa matanda. Mabilis siyang lumuhod upang haplusin ang pisngi ng matanda, "Lola makakaya ninyo po bang makatayo?" Hindi nakasagot ang matanda dahil napansin niya ang anak niyang lalaki na sisipain si Shery.

"Huwag mong sasaktan si Miss!" sigaw ni Lola kaya napalingon si Shery sa likuran. Naabutan niyang nakasubsob na ang lalaki sa sahig habang salo ang tiyan. Agad niyang nilipat ang atensyon kay Evo na tango ang isinukli sa kanya, ngumiti siya bilang pasasalamat at muling humarap kay Lola.

"Lola?" ang nag-aalalang tanong ni Shery dahil nakatulala ang matanda kay Evo. "Nagsimula na!" bulong ni Lola na ikina-isip ni Shery.

Ilang minuto ang nagdaan dumating ang mga otoridad at dinampot ang anak ni Lola. Samantala si Lola ay nawalan ng malay at ngayon ay nakahiga sa backseat ng sasakyan ni Evo.

"Ito ba ang bahay mo?" tanong ni Evo noong makarating sila sa tapat ng bahay ni Mr. Run. Nilingon ni Shery si Evo nang hindi umiimik, hindi kasi pwedeng malaman ng binatang kasama kung saan ang totoong bahay nila. Isa pa hindi pwedeng manatili si Lola sa bahay nila dahil bawal ang estranghero roon.

"Oo ito ang bahay namin makakaalis ka na. Salamat sa paghatid!" ani Shery saka sinabihan ang anak ni Mr. Run na ipasok na sa loob ang walang malay na matanda.

Mabagal ang pagkilos ng sasakyan ni Evo naguguluhan kasi siya kung bakit nagsinungaling si Shery. Para bang alam nito kung sino siya?



---



ILANG araw ang nagdaan na palagian ang pagsasama ng dalawa; Shery at Evo. Palagi silang nagtatagpo sa SmokeGun at namamasyal. May pagkakataong magkausap ang dalawa sa chat o kung minsan ay sa skype.

Lahat ay naninibago sa kinikilos ni Shery, si Katie na napapansin ang lihim na pagngiti ni Shery kahit sa harap ng hapagkainan. Sa eskwelahan naman napupuna ni Cage na parang palagi nagmamadali si Shery at agad umuuwi. Ang paperdolls na labis nagtataka dahil natututo nang humingi ng paumahin ito kung minsan naman ay nagpapasalamat.

Isang araw si Mr. Run ay kasalukuyang papalabas ng kwarto ni Louise Hanzrouie, "Mr. Run!" Nilingon ni Mr. Run ang tumawag sa kanyang pangalan saka nagbigay paggalang dito, "Nakita niyo po ba si Shery?"

Bagaman nagtataka agad ngumiti ang matanda kay Katie, "Miss kani-kanina lang nakita ko siya sa hardin." Tumango si Katie saka nagpasalamat sa matanda. Agad siyang pumunta sa garden upang kausapin ang kapatid dahil nalalapit na ang competition nito ng swimming pero malayo palang ay hindi niya nakita ang bakas ni Shery sa garden.

Nasaan ba siya?



---



"Hala Shery ang galing mo mas bumilis ang langoy mo nitong last lap huh!" magiliw na wika ni Cage habang winawagayway ang hawak na timer. Ang paahon na si Shery ay agad nakisilip sa timer noong ipakita ni Cage ang tinutukoy nito.

"Better than before more practice!" giit ni Shery na siyang nagpalaho sa tuwa ni Cage. "More practice? Bakit plano mo bang bulagin 'yang mata mo? Tandaan mo kanina pa tayong alas dose rito ngayon ay alas tres na. Tatlong oras ka nang nagsasanay ipahinga mo naman ang mata mo." Hindi iyon pinuna ni Shery dahil naging busy siya sa pagsipat ng kanyang mobile.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon