PASSWORD : We meet again!

693 36 28
                                    

"Sino ka?" ang nanginginig niyang tanong sa lalaking sa palagay niya ay anim na pulgada ang tangkad. Sa gigil ay nginudngod niya ito noong hindi sumagot kaya nakarinig ng ilang ungol ang dalaga.

"Sino ka?"

Nagawi ang paningin niya sa suot nitong kwintas. Sinuri niya ang pendant na may kakaibang design at napapikit noong balyahin siya nito ng ulo dahilan upang matamaan ang matangos niyang ilong.

Makakatakas sana ito pero binaril niya ito sa kaliwang binti. Sa muli nitong pagtakas ay ang kanan naman pero muli siyang napukaw ng suot nitong kwintas noong kuminang ito samantalang madilim.



NAGISING sa reyalidad si Shery noong lumebel si Brent sa kanyang paningin.

"Okay ka lang?" ang nag-aalalang tanong nito. Tumango si Shery bilang tugon matapos ay pakunwari nagtanggal ng muta. Nang mahimasmasan ay hinarap nito ang nagtatanong na mata ni Brent.

"Beautiful necklace," she unexpected appraised. Out of dismayed she turns her gazed on the right side. Minsan talaga hindi nagkakasundo ang isip at dila ko. Arg!

Sa dami ng sinabi ni Brent gulat man ay pinili niyang matawa sa sinabi ni Shery. Nagkakamot ng ulong nagpaliwanag ito, "Coleman signature necklace ito. Tingin ko may iba't-ibang uri nito dipende sa level of connection sa family Coleman. Pag-immediate family ginto at may diamonds, pag higher rank sa company ay gold at pag normal employee ay silver. Mabuti't nagustuhan mo!"

Shery meet his gaze. Is it possible he have this connection with Pineda?

Shery nods yet still confused. Imposible! Hindi magagawa ni Brent ang ipapatay ako. Muling sumagi sa isip niya ang sinabi ng kanyang Lolo. Protect the Hanzrouie's Treasure.

Tumingin siya kay Brent na parang binabasa ang iniisip nito. Hindi kaya may iba pang dahilan kung bakit siya biglang naging mabait at lahat ng ito ay drama lang?

Ngumiti si Brent kung kaya't napangiti rin siya. Ano ba 'tong iniisip ko? Hindi magagawa ni Brent ang lahat ng 'yon kilala ko siya.

Apat na taon akong nawala. Sa apat na taong iyon madami ang pwedeng magbago.

"Brent?"

Dahil sa pagtawag niya napahinto si Brent sa pag-abot sana sa kanyang kamay, "Hhmmm?"

"May gustong pumatay sa akin at may kaparehas siya ng ganyang kwintas," kwento ni Shery habang tulala. Agad nabahala si Brent at parang nataranta. Lumingon pa ito sa paligid at umaktong parang pinoprotektahan si Shery kung kaya't si Evo na nagkukubli sa dilim ay nangisi.

Agad hinawakan ni Shery ang magkabilang balikat ni Brent para pahintuin. Ipit sa pagtawa niyang wika, "Ito naman hindi mabiro." Tinakpan niya pa ang bibig saka napa-upo. Hindi kasi niya mapigilan ang labis na kasiyahan sa inakto ni Brent.

Brent didn't find it funny. He's is now worried.

Gayunpaman nakita ni Shery ang sagot sa kanyang kaisipan. Brent is out of the crime. Sana lang pumayag ito sa susunod niyang drama. She needs the necklace.

Tumayo si Shery saktong dutdot naman ni Brent ng kanyang ilong.

"Ikaw ha pinagti-tripan mo ako. Hindi magandang biro 'yon kung gusto mo ng kwintas ko ibibigay ko sa'yo. Huwag mo nang uulitin 'yon dahil pag may totoong gustong pumatay sa'yo..." Huminto ito at napalunok. Bakas din sa mata nito ang pag-aalala kay Shery. "... Hindi ko mapapatawad ang taong gagawa sa'yo no'n. Ako. Ako ang papatay sa kanya kahit pa sa impyerno papatayin ko siya."

PASSWORD  (Completed) (Raw)Where stories live. Discover now