PASSWORD : Choose

538 30 12
                                    



Mabilis ang mga pangyayari kasalukuyang yakap ni Shery ang sarili habang tulala sa pinto ng Emergency Room.



Lumaban ka pakiusap, ikaw nalang ang nag-iisang alam kong paniniwalaan ni Katie. Brent... Lumaban ka!



Nang maalala niya ang eksena kanina kung paano itutok ni Katie ang baril sa kanya nang may diin at galit, gigil niyang idiniin ang kamay sa dibdib. Katie? Ang akusa nito sa kanya ay hindi niya inaasahan na para bang ang pagkawala niya ay napakalaking kasalanan dahilan upang umabot ito sa gusto siyang patayin.



Humalukipkip siya saka pumikit. Gusto niyang umiyak dahil nahihirapan na siya. Napakasakit dahil ang nag-iisang iniisip niyang kakampi at dahilan para magpakatatag ay gagawin ang ganitong bagay. Muli niyang naalala ang itsura ni Katie kung paano siya nito sabihang mamamatay tao at akusahang pinatay ang lolo nila.



Idinilat niya ang mata saka kinuha ang cellphone upang tawagan si Perry.



Sa ikalawang ring ito sumagot, "Ikaw na muna ang bahala kay Katie d'yan basta kailangan matanggal ang pill na inilagay sa katawan niya."



Kanina kasi bago siya magpunta sa event kinatagpo siya ng Paperdoll sa pamumuno ni Cage. Pinaliwanag ng mga ito kung paano at ano ang kwintas. At lahat ng iyon ay dahil sa pill na itinanim ni Yvon sa katawan ng lahat ng may kwintas. Malaki ang naging takot ni Shery dahil maging si Katie ay mayroon nito kaya naman nagplano sila. Siya na hahanapin ang control samantalang ang Paperdoll ang bahalang lumikom nang lahat ng pangalan ng may kwintas upang ipatanggal ang pill habang si Cage naman ang bahala sa pagmanman sa kinikilos ni Victory at ni Yvon.



Nalaman din ni Shery na nasa mental hospital si Victory sa hindi nila malamang dahilan.



Matagumpay na nakuha ni Shery ang button at agad na sinira pero sa mga oras na ito nailagay niya ang kamay sa dibdib. Bakit hindi mawala-wala ang kaba ko? Bakit parang pakiramdam ko may mangyayaring masama?



"Miss Shery?"



"Sorry anong sabi mo Perry?" Tumayo si Shery saka hinilot ang ulo. Hindi pa kasi siya kumakain buhat nang makabalik kaya ang physical na katawan na niya ang nagrereklamo.



"Halos lahat nang nalagyan ng pill ay kasalukuyang mga nasa ospital!"



Nakahinga ng maluwag si Shery sa narinig, "Mabuti naman, siya nga pala itatanong ko sana si Chamber?"

PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon