Finale : I am into you

1.1K 36 29
                                    


Author's Note: I noticed those silent readers kept on adding this story. This is raw, and will be the last chapter. Thank you ❤️


NAKANGITI SI Shery nang siya'y magising. Nag-init pa nga ang pisngi niya dahil sa braso ni Evong nakapalupot sa bewang niya. Nakayakap kasi ito mula sa kanyang likuran. Ang init niya. Agad siyang pinulahan nang maalala kung gaano ka-wild si Evo kagabi. Ang mga mata nitong nag-aalab sa pananabik sa kanya. Sumasalamin kung gaano siya nito kamahal. She gave what he wants, because this is also what she wants. She wants him. I love him!

Marahan siyang umikot para harapin ito.

Hinaplos niya ang kilay nito, paibaba sa matangos na ilong. She smile wickedly when she remember how this nose, explore her breast teasingly. She bit her lower lip while closing her eyes. That nose drives me crazy last night. Iikot sana siya para hindi iyon makita, kaso naagaw ng atensyon niya ang wallpaper ng kwarto kung saan sila naroon. Agad sumibol ang kaba sa kanyang dibdib nang makita sa side table ang larawan ni Kate. Nakangiti itong labas ang buong ngipin tipong inaasar siya.

Maingat niyang tinanggal ang braso ni Evo, saka tumayo habang binabalot ang sarili ng inner blanket. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa pinto. Nangasim pa ang mukha niya sa pagpihit ng door knob, dahil ayaw niyang magising si Evo. Nakahinga siya nang maluwag nang magtagumpay siyang mabuksan ng hindi naaabala ang kasintahan.

Paghila niya sa pinto, isa-isang nagbagsakan sa sahig sila Cage, Paper, Dolly at Perry. Sumaludo ang kilay niya sa mga ito habang nakahalukipkip. "Eavesdropping?" She asked gritting her teeth.

"Ang bigat niyo, ha!" reklamo ni Cage na siyang nasa pinakailalim.

Namumutla ang nakapatong ditong si Paper dahil nasiko siya ni Dolly sa likod. "Perry, baka gusto mong umalis sa likod ko. Hindi ako sofa!" parinig ni Dolly, noong subukang tumayo.

Nakangiting alanganin si Perry, mula sa nakakasindak na paninitig ni Shery. "A, o! Aalis na, sorry Miss Shery!"

Hindi nilubayan ni Shery nang paninitig si Perry, hanggang makatayo ito. Doon agad niyang napansin ang nasa likuran nitong si Lola Milagrosa at Pinam. Mga kapwa, humahagikgik sa kilig habang sinisilip ang taimtim na natutulog na si Evo.

"Hurry up, guys. I'm hungry!" Parinig ni Brent matapos ay tumalikod. Nilagpasan nito si Kate, na nakangiting ngayon sa kanya kagaya ng nasa larawan kanina.

Inirapan niya ito matapos ay tumitig kay Cage, na tinataasan siya ng kilay. Nakatitig ito sa kumot na nakabilot sa katawan niya. "Shery, may nabuong mapa." Minata ang tinutukoy.

Naguguluhang bumaba ang paningin niya at nakita ang dugong namuo roon. Nahihiya niyang tinakpan iyon ng kamay, saka tinitigan ng masama si Cage.

Nginusuan siya nito nang, "Confirmed!"

"Ang tahimik ng bahay kapag dalawa lang tayo. Baby is welcome," sabad ni Kate mula sa likod ni Pinam. Sinang-ayunan siya ng tatlong Maria, gayon din si Lola Milagrosa. "Sana maabutan ko ang magiging anak mo."

"Lola, 'wag kayong mag-alala. Si Cage rin, bibigyan kayo ng apo."

Agad sinabunutan ni Cage si Paper. "Bruha ka, gusto mo ikaw anakan ko. Tantanan mo ako."

"Uy, may chemistry kayo," puna ni Perry.

"Gano'n. E, kung ipa-gang rape ko kayo sa mga bata ko?" ngitngit ni Cage, habang siya ay nangingiti lamang sa gilid. Sinilip niya si Evo. Gising na ito at kasalukuyang nakasandal sa headboard, nakangiti at pinapanood sila.

"Papa Evo, inaasar nila ako. Mag-anak na raw tayo," baling ni Cage rito, kaya lahat ay sabay-sabay na tumingin sa loob.

"Ano ba 'yan, Cage! Nakakakilabot ka," palag ni Dolly, kunwari ay kinikilabutan.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Where stories live. Discover now