PASSWORD : ONE DOWN! WHO'S NEXT?

524 29 14
                                    

A/N Paumanhin sa pagkaantala haha honestly nawala 'yung ideya ko noon sa isip ko kaya sa palagay ko medyo nalihis ang istorya na ito sa dapat ay tamang flow.  Ipinagpapauna ko na ring 'wag babasahin ito kung kayo man ay kumakain o papakain palang dahil may ilang pangyayaring maselan na baka hindi niyo magustuhan. Anyhow parinig ng inyong hinaing lubos ko po iyon rerespetuhin. Siya nga pala pagnatapos ko na ang story na ito isusunod ko na ang book two ng BEHIND THE MAKE UP. Enjoy! APINK NAEUN as Chandria. Credit the picture to the owner, it is not mine.








"Wait! Siya na ba 'to?"

Mula sa masinsinang pagtipa sa keyboard agad lumapit si Evo sa kaibigan at sinilip ang ginawa nitong software upang mahanap si Shery.

Mula sa malaki at madilim na space may pulang umilaw.

Shery!

"Oh teka ba't biglang nawala?" ang nagtatakang wika ni Paul saka uli't sinubukang tumipa ng ilang codes.

Hindi! Huwag kang mawawala. Shery!

Tinabig agad ni Evo si Paul sa ino-upuan nito tsaka tumipa upang hindi mawala ang pulang ilaw. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at taranta kaya si Paul na nasubasob ay agad pinigil si Evo.

"Evo uulitin ko nalang!"

"Hindi. Nakita na natin. Kailangan nalang i-trace kung saan!" wika nito habang nanginginig ang mga braso na siyang nagpakaba kay Paul. Buhat kasi ng mawala si Shery ay hindi na ito natutulog at halos hindi kumakain.

Tinuro ni Evo ang screen kung saan lumiwanag ang pulang sumisimbolo kay Shery, "Ang lugar na ito. Kailangan kong malaman kung saan 'yan!"

Napaluhod si Paul sa kanyang nakikita.

"Baka napano na siya d'yan! Baka nilalamig siya o baka nagugutom na siya. Kailangan ko siyang puntahan, kailangan niya ako Paul!"

Naipikit ni Paul ang mata noong makita ang luha sa pisngi ni Evo. Ito ang unang pagkakataon na makita niya ang kaibigan na umasta ng ganoon dahil iyon kay Shery. Si Shery na mahal nito.

Bagaman nanginginig at halos mawala sa konsentrasyon si Evo nagawa niyang pabalikin ang pulang liwanag, "Shery hintayin mo ako!"

May pinindot itong key na siyang hindi sinasadyang nagpalaho sa pulang ilaw kung kaya agad niyang nabalya ang lamesa sa inis.

"Mate chill down. Hindi natin siya mahahanap kung hindi ka kakalma!"

Nanginginig ang kamao nito na halos lumabas ang ugat noong lingonin siya.

"Paul hindi ko matatanggap na manatili rito habang si... si Shery ay nasa peligro nang dahil sa katarantaduhan ko! Kailangan ko siyang iligtas"

Natatarantang lumapit ito sa laptop na gamit saka tumipa na parang nawawala na sa sarili, "I need to trace where she is. I know she's here only."

Naaawang naipikit na lamang ni Paul ang mata saka hinilot ang noo.






---






Dalawang linggo na ang nagdaan buhat noong mawala si Shery.

"Dolly natatakot talaga ako panalangin ko walang nangyaring masama kay Miss Shery!"

Naidaop pa ni Perry ang parehas na kamay saka tumingala sa langit. Malungkot na iniangat ni Dolly ang ulo upang masdan sana ang kanang dako nang mapansin niya si Katie na nagdaan.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ