PASSWORD : Him II

1.2K 64 46
                                    



Kitang-kita ng dalaga ang pagkasira ng ibabaw na bahagi ng target. Dahil sa bilis nang paggalaw nito at impact ng baril ay naputol iyon.


May lalaking lumapit at tinignan ang pulang bilog.


"Boss ang galing mo bulls eye!" Anunsyo nito kaya't napalunok ang dalaga sa mangha.


Who is he?


Isinuot muli ng dalaga ang preteksyon sa mata at tenga saka bumalik sa pwestong pinili kanina. Tinignan niya ang kaninang target matapos ay nilingon ang kaliwang bahagi kung saan tanaw ang taong binalot. Gamit ang kanang braso ay ikinilos niya iyon at itinapat ang hawak na baril sa target.


Ang binatang minamasdan ang dalaga ay hindi na napigilang tumutok ng atensyon sa pulang bilog na target ng dalaga. Paano niya matatamaan iyon kung hindi naman siya nakaharap doon? Imposible!


Nagawa pa nitong ngumiti na halatang ini-insulto ang dalaga. The moment he remove his gloves the same with Shery releases the bullet. Malakas ang putok na naidulot dahil natanggal na rin ng binata ang ear plug na suot. Out of curiosity he checks the red circle and amazingly his eyes widen. Turning his gaze to the lady, who is now giving him a summoning look he respond her teasingly smile.



---



AIR soft game, isang laro kung saan may dalawang kopunan. Pula at Asul na kampo. Sa pulang kampo kung saan pinamumunuan ni Shery kasama ang apat pa nitong kakampi samantala sa Asul na kampo na siyang pinamumunuan naman ng taong binalot.


Isang malaking kwarto, dinisenyohang parang totoong masukal na gubat at dinagdagan ng makatotohanang light effects. Sa bawat sulok ng kwarto ay may cctv kaya't mabilis malalaman ng manlalaro kung ilan nalang ang kakampi o kung ilan na ang nabaril dahil na rin sa anunsyo mula sa speaker na halos nagkalat din sa kwarto. Ang kulay sa bawat kampo ay siyang kulay ding laman ng bawat baril na hawak nila.


Misyong tugisin ng dalawang kampo ang isat-isa, babarilin ang lahat ng miyembro ng kalaban at isisigaw na, "We (Pangalan ng kampo mo) won the battle!"


Kahit mabaril ang kapwa kakampi ay parang binaril din ng kalaban kaya't dapat silang mag-ingat at kilalanin ang kakampi dahil ang uniporme nila ay parehas.


Naging tuso ang dalagang si Shery dahil naisipan niyang lagyan ng pulang tela sa braso ang kakampi para hindi sila malito, idagdag pa na isang estratehiya ang maghiwahiwalay sila upang mabilis maubos ang kalaban.


Samantala sa kabilang kampo ay naisip ni taong binalot na magsama-sama sila upang mabilis matugis ang kalaban. Sa gayung malalaman din ng bawat isa kung sino ang kakampi dahil magkakasama nga naman sila.


Isang oras ang tinagal at ngayon ay katatapos lang i-anunsyo na dalawa nalang ang natitira sa grupo ng pula. Iyon ay si Shery at ang isa pa nitong kasamang babae. Mula sa isang sulok, tipid ang bawat paghinga ng dalaga dahil mali ang naging estratehiyang pinatupad niya. Kung sana pala nagsama-sama na lamang sila.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon