PASSWORD : Jumble Emotion

845 47 33
                                    


DINALA ni Evo sa isang kakaibang restaurant si Shery gusto kasi niyang matuklasan ang iba pang ugali mayroon ito.


Sa kanilang pag-upo agad silang inasiste ng isang waiter. Sinabihan niya si Shery na hayaan siyang pumili nang kakainin tutal siya ang taya kaya naman mabilis niyang inilahad sa waiter ang lahat ng pagkaing gusto niyang tikman. Aminado siyang ito ang unang pagkakataon na gagawin iyon kaya naman maging siya ay kinakabahan pero mas kaabang-abang para sa kanya ang magiging reaksyon ni Shery kapag nakita nito ang pagkain na sa tingin niya ay hindi nito magugustuhan.


Malayo palang naaamoy na ni Evo ang kakaibang aroma na sa tingin niya ay magpapakulot sa kilay ni Shery kapag naihain na iyon sa table nila. Sa pagtapat ng waiter sa kanilang pwesto agad gumuhit ang mapang-asar na ngiti sa labi niya. Gayunpaman nakamasid at kalmante lamang si Shery taliwas sa inaasahan niyang dapat na iaakto nito.


Napalunok siya sa nakita at napadasal. Gutom pa naman siya pero sa nakitang potahe para bang nahipan ng hangin ang kanyang gutom.


Agad niyang inabot ang zucchini at kinain. Tasty! papuri niya habang nginunguya iyon. Ilang minutong naging abala siya sa pagtikim ng ilan sa pagkain, ngayon niya napatunayan na hindi nadadaan sa amoy ang sarap. Kahit ibang lahing pagkain at kahit ibang lasa sa huli masarap pa rin ito.


Sa noo'y pag-abot niyang muli ng zucchini, agad siyang napahinto nang mapansin si Shery na nanonood lamang sa kanya. Bakas sa mukha nito ang hindi makapaniwala kaya agad pinunasan ni Evo ang bibig.


"Bakit? Ayaw mo bang kumain? Tikman mo 'to. Masarap iyan!"


Pinapanood lang ni Shery ang paglapag ng zucchini sa kanyang plato saka inilipat ang paningin sa lalaking kaharap. "Tikman mo!" utos ni Evo kaya napakurap si Shery, "Hindi ako kumakain ng zucchini, mukhang mapait e!"


"Huh? Anong mapait? Bakit natikman mo na ba?" ang hindi makapaniwalang salaysay ni Evo kaya napangiwi si Shery.


Pilit iniisip ni Shery kung anong trip ng kasama kung bakit ganoon ang piniling pagkain halata kasing pang ibang lahi dahil sa sauce at sa zucchini na side dish.


"Dali tikman mo bago mo husgahan," muling udyok ni Evo kaya napilitan si Shery tusukin ng fork iyon. Dahan-dahan niyang itinapat sa bibig ang zucchini nang hindi inaalis ang paningin kay Evo.


"Eat!"


Kinagat niya ang dulong parte nito saka ngumuya, wala siyang natikmang pait kaya naman nagawa niyang lunukin iyon. "Ano mapait ba? Paborito ko nga 'yan e," dugtong niya pa saka sumubo ng kebab.


Ilang minutong kunwari patay malisya si Evo sa dalaga pero natutuwa siya sa kanyang natuklasan. Walang arte sa katawan si Shery. Gaya niya natatakot lang itong subukan pero pag natikman na at okay ay kakain din naman. Halata ring ayaw nitong nasasayangan ng grasya dahil halos kinain nito ang lahat ng inilagay niya sa plato nito.


"Alam ko hindi ka masaya sa kinain natin," wika niya na nagpakurap sa tahimik na si Shery. "Hindi naman talaga ito ang pupuntahan natin..." Kumunot ang noo ni Shery kaya napatayo si Evo. Hinawakan nito ang kamay ni Shery saka hinila kaya ang hindi handang dalaga ay madaliang napapunas ng bibig.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Where stories live. Discover now