PASSWORD : Becoming One

800 25 19
                                    

A/N Ipinagpapauna ko na pong may eksena sa chapter na itong hindi naaayon sa minorde-idad.  Kung ikaw ay hindi open minded pwede mong i-skip ang last scene, salamat.  Kasalukuyan akong nag-struggle sa story na ito, naghalu-halo kasi ang ideya ko rito at sa on-going kong I want to reset. Pasensiya na talaga! May nag-aabang pa ba ng story ni Shery? See the multI media, ang ganda ng shery natin ano? I hope you enjoy this chapter, do share and vote after you read. Thank you <3







NAGPUNTA sila sa likurang bahagi ng mansyon. Isa iyong malawak na espasyo na napapaligiran ng mga naggagandahang mga bulaklak at mamahaling halaman na bonsai. Bagaman sinakop na ng dilim ang paligid, ang mumunting ilaw na siyang nakapalibot sa gilid ang nagsilbing ilaw. Idagdag na rin ang tatlong main lights na nakaposte sa bawat kanto ng hardin.

Saglit na bumakas ang gulat sa reaksyon ni Evo nang matunghayan ang dami ng tao rito kumpara kanina na akala mo ay pwede ng tirhan ng masamang elemento ang mansyon sa dilim.

Nilingid niya ang paningin sa mga taong naroon at agad napanganga. Nakita kasi niya sa 'di kalayuan ang kaibigan na napapaligiran ng mga girls. Mukhang naging agresibo na ang kaibigan kong ito!

Lalapitan sana niya ito nang biglang mapahinto.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Hindi na hinarap pa ni Evo ang nagsalita dahil alam niya kung sino ito.

Naunang tumalikod ang lalaki siyang harap ni Evo upang sundan ito. Dinala siya nito sa kabilang hardin na may mini bridge. Nakatalikod lamang sa kanya ito at nakapamulsa. Dahil madilim hindi malaman ni Evo kung galit ito o normal dito ang marinig ang paghinga.

"Nabalitaan kong hindi mo kapatid si Yvon!" panimula nito. Inalis nito ang pagkakapamulsa saka sumandal sa bakod ng bridge. "At malamang alam niya na rin 'yon."

I know. Sa daldal ni Cage at dahil sa tatlong maria na nakapaligid sa kanya wala ng lihim tungkol sa akin ang hindi malalaman ni Shery. Humakbang siya sa bridge, at gumaya sa binatang kausap. Parehas nilang tinatanaw ang kalangitan. Saglit na bumalot ang katahimikan at tanging tunog ng kulisap at pagdaloy ng tubig ang maririnig sa pagitan ng dalawa.

"Kailan ang kasal?" tanong nitong muntik magpalaglag sa pagkakasandal ni Evo.

Natawa tuloy ang binata dahil kahit madilim malinaw niyang nakita ang gulat sa reaction ni Evo. "Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi maramdaman na ikaw na ang pinili niya." Anito habang iniisip ang kanyang natunghayan kanina noong makababa ng sasakyan.

Nakita kasi niyang magkahawak ng kamay ang dalawa nang makababa sa sasakyan. Bakas sa mukha ni Shery ang saya kapag tumitingin ito rito. Sayang hindi matutumbasan kung paano tumingin noon sa kanya ito. Aminin man niya o hindi sobrang sakit para sa kanyang natalo siya. At hindi na talaga siya ang tinitibok ng puso ni Shery.

Bumuntong hininga siya saka ulit tumawa. Tawang puno nang panghihinayang at inggit.

"Ang sarap sa pakiramdam na natutuklasan mo ang mga lihim niyang katangian hindi ba?" Ngumiti siya saka minasdan ang star na mas nangingibabaw ang ningning. "Katangiang hindi niya pinapakita sa iba. At nakakatuwang sa kabila ng pagiging cool niya o mukhang masungit, madaldal at maharot siya."

Dahil sa tinuran nito biglang napangiti si Evo. Naalala kasi niya kung paano niya tuksuhin si Shery tapos maasar ito at magdadabog.

"Mahilig pa siyang magbanta." Sabay nilang wika. Dahil sa gulat nagkatinginan silang dalawa. Sabay silang tumawa na siyang bumasag sa katahimikan.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon